Introduction

1 0 0
                                        


"Sorry Audrey , I don't love you anymore. Actually , di naman talaga kita minahal. Nagkapustahan lang kami ng barkada. Sorry talaga. But we can still be frien-"

*Pak

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kaniya.

"Walangya ka din talaga eh noh? Matapos mo kong lokohin may gana ka pa talagang mag-alok ng friendship? Eh gano kakapal 'yang mukha mo?!" , Wala na , naiyak na ko.

"Sorry talaga Audrey"

"Wag na wag mo kong matawag na Audrey! Umalis ka na!" , wala na kong pakealam kung pinagtitinginan na kami dito sa may Mcdo. Juskooo , Mcdonalds! Why oh why?

At lumayas na nga si gago.

Ano ba namaaaaaan? Pang-limang beses na kong niloko . At talagang laging dito ko sa Mcdo iniiwan ah!

Tumayo ako at pumuntang counter para umorder. Wala akong pake kung pinagtitinginan ako.

"1 BFF fries, burger, and sundae coming right up Ma'am" Hindi ko alam kung maiiyak ba ko lalo o matatawa kasi kabisado na ko ng cashier dito. Hindi ko na kailangang magsalita. Tuwing may nakikipag-break kasi sakin dito , laging yun ang inoorder ko.

Tumango na lang ako at nagbayad.

Pagkakuha ko ng order ko eh naupona ko sa may glass window , yung tanaw ko yung labas para feel na feel ko talaga ang aking kasawian.

Umiiyak ako habang kumakain tapos pinatugtog pa dito yung pesteng "tuloy pa rin" na yan . Feeling ko tuloy nasa isang music video ako.

Nung medyo naka-recover na ko kahit papano eh tsaka lang ako na-conscious at nahiya sa mga tao kaya lumabas na ko ng Mcdo at nag-ikot ikot na lang sa mall.

Nasa loob ako ng isang department store eh nakita ko yung walangya kong ex na iniwan ako kanina lang. At ang pesteng walangya eh may kasamang babaeng hindi pantay ang kulay ng mukha sa kulay ng leeg ,akala mong nasuntok sa sobrang pula ng bibig at kinabog pa ang mount everest sa taas ng kilay niya. Mas maganda pa yung mga kaibigan kong bakla! Jusko.

Lalo lang nasisira ang araw ko dahil sa9kapangitan ng babaeng kasing kapal ng make-up nya yung kapal ng mukha nung ex kong walangya. Kaya napagpasyahan ko na lang na umuwi.

Haaaaay juskoooooo .
Bakit ba lagi na lang akong sawiiiiii?
Maganda naman ako. Sexy. Matalino.
Ano po bang pagkakamali ang nagawa ko?

Ayoko na!

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 02, 2017 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Now that I found YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang