Angel's POV:
Unang araw ko palang dito sa pinasukan Kong paaralan kaya wala pa along kakilala.
Naglalakad ako papunta sa room ko ng may nakabangga sa akin.
"Aray"
"Yan kasi! Hindi mo kasi tinitingnan ang dinadaanan mo eh!"-sigaw ng lalake na akala mo naman kung sino. Siya na nga ang nakabangga sa akin.
"Ako pa talaga! Ikaw na nga ang bumangga sa akin eh!"
"Bago ka dito noh miss?"
"Oo bakit may angal ka?"
"Hoy! Ang taray taray mo, transferree ka pa naman!"
"Ano manang pakialam mo kung mataray ako!"
"Hoy! Miss Hindi mo ba Alam ha?"
"Siyempre wala pa akong Alam dito! Diba nga transferree ako!"
"Mataray ka talaga! Sabihin ko lang sa'yo miss ha! Ako lang naman ang crush na crush ng mga babae dito at siyempre sikat rin ako"-di ko naman tinatanong. Ang yabang noting lalake na to.
"Anong pakialam ko"
"Bakit ba kasi ang taray taray mo ha?"
"Wala ka ring pakialam"
"Ah miss ano nga pala ang pangalan mo?"
"Wala lang pakialam"
"Alam mo miss, mas lalong walang sasama sa'yo dahil sa ugali mong ganyan"
"Kung wala edi wala"
"May problema ka noh? Kaya ka nagkakaganyan?"
Hindi ko nalang siya pinansin. Ang yabang yabang.
"Alam mo miss, sabihin mo nalang kasi kung ano ang pangalan mo"
"Kung sasabihin ko ba tatahimik ka na?"
"Ah depende kung gusto mo ring maging kaibigan kita"
"Kaibigan?! Nakakatawa ka naman. Ayaw ko ngang magkaroon ng kaibigang mayabang, feelingero at higit sa lahat playboy!"
"Array! Ang sakit naman!"
"Edi kung ayaw mo kasing masaktan, edi tumahimik ka"
"Hoy miss ha! Huwag mo akong ganya ganyanin! Naiinis na ako sa'yo!"
Naiinis rin pala ang mga mayayabang. Naglakad nalang ako papubta sa room pero sinusundan parin ako ng lalakeng napakayabang na akala mo kung sino.
"Hindi ka ba talaga titigil ha!?"
"Bakit ba inis na inis ka sa akin miss?"
"Wala! Nakakainis ka kasi! Ang yabang yabang mo!"
"Magtatanong nga sana ako, kaso baka ayaw mo akong sagutin"
"Sasagutin ko na ang tatanungin mo para matahimik ka"
"Ano bang year mo?"
"4th year"
"Pareho pala tayo eh"
"Mauna na ako!"
May sasabihin pa sana siya pero agad kong pinutol ang sasabihin niya.
"Ano ba yang nasa likod mo?"-pagtatakot ko sakanya.
"Ha? A-aano ba yun. Ho-----"
Ang yabang yabang pero may kinakatakutan rin.
