Tila kabaliktaran sa kanilang mga inaasahan ang nangyari sa party. Nagtungo sila roon na puno ng pananabik, ngunit sa tinakbo ng pangyayari, ngayon ay pauwi silang tila pawang dismayado.

Pero para kay Patricia, OK naman ang party. Nag-enjoy naman siya. Maraming nakilala. Maliban sa mga huling tagpo, natupad naman ang kanyang inaasahan.

Sinubukan niyang magbukas ng usapan. Sabi niya, "You looked so tired."

Muling kumawala sa lalaki ang buntonghininga. Bumaling sa dalaga. "Upset, not tired," pagtutuwid nito.

"Pinatulan mo naman kasi," wika niya. "You allowed him ruin your evening."

Hinarap siya ng lalaki. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo, Trish?" pasurot nitong sagot. "Don't you really understand? I was trying to protect you from harm."

"He looked harmless, nagpakilala lang—"

Sarkastiko ang ngisi ng lalaki. "You are lawyering the bastard, Trish."

Umiling ang babae. "No, Vaughn," aniya. "Just being fair." Sa totoo lang, naaawa siya sa Amerikano. Nakita niya kung papano ito nasindak at kung papano lumayo mula sa kanila. Anu't-anuman, ang tingin ni Patricia ay nabastos ni Vaughn Eric ang panauhiga mula sa karimlan. "I think you're disappointed. Maybe I should have kept myself at bay. Dapat pala hindi talaga ako nakialam."

Hindi klaro sa pang-unawa ni Patricia ang puntong gustong tumbukin ng mga pangungusap ni Vaughn Eric. Isa lamang ang malinaw sa kanya – nawawala sa katuwiran ang lalaki. At tumataginting sa diwa ng dalaga ang tila pasaring ni Vaughn Eric. "Disappointed ako sa ipinakita mong ugali," wika niya. "Sabi mo magkaibigan kayo ni John, pero tinrato mo nang hindi maganda ang bisita niya. As a friend you were supposed to help John entertain his guests hindi iyong sunggaban sila, sindakin, pagbantaan..."

"Nagulat ako nang makita kong kasama mo 'yong Kano." Bahagyang kumalma ang tinig ng pintor. Iniisip ng dalaga na baka lumubog na sa realisasyon nito na talagang hindi tama ang ginawa. "Akala ko he was taking advantage of you. Maybe, Trish, I have just acted accordingly."

Hindi naman ako isang babaing kaladkarin, gusto niyang isagot pero mas pinili niyang sundan ang tila epektibo niyang argumento. "I was only trying to be nice to everyone. Just like what you did."

"W-what did I do?"

"That short-haired girl. Tuwang-tuwa ka sa kanya."

"Her name's Laura," pakilala ni Vaughn Eric. "Isa siya sa mga supplier ni John. An art dealer. Very pleased to see me."

"She was," sagot ni Patricia. "Ang saya-saya niya. Kaya naisip ko na baka magpapasaya rin sa Kano ang makilala ako kaya bakit naman ako magdadamot? Just like you, I wanted Devon get his piece of happiness."

Patlang. Nararamdaman ng dalaga na panatag na si Vaughn Eric. Mayamaya pa, bahagya siyang napatulos nang maramdaman niyang sumampay sa likuran niya ang kanang kamay ng lalaki. Ang malaking kamao ay tantiyadong nakasaklot sa puno ng kanyang braso, halos sa ibabaw ng kanyang balikat.

Bahagya sa simula, ngunit nang maramdaman niyang pumipisil ang kamay ni Vaughn Eric ay halos pumutok ang kanyang dibdib sa kaba. Iglap din ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Damang-dama ni Patricia ang matinding komosyon na nagaganap mula sa kanyang kailaliman. Mga pagtatalo ng nagkakagulong damdamin na tila hindi niya kayang pamahalaan.

Bagaman magkadikit na ang kanilang tagiliran, naramdaman ni Patricia ang mahinay pang pagkabig ng kamay ni Vaughn Eric, kaalinsabay ng mga pagpisil ng lalaki sa kanyang braso.

Gustong pumiksi ng dalaga sa iminumungkahi ng aksiyon ng lalaki, but she was too breathless to utter a word. She wanted to get far, but her body has gone unruly.

Breathless EncounterWhere stories live. Discover now