MardiveS One

3 0 0
                                        

"Gising na ate, wala ka bang pasok ngayon?" 

Pagmulat ng mata ko, bigla akong nalungkot.

'Panaginip lang pala'

Sana di nalang ako nagising. Bukod dun, mas lalo akong nalungkot nung maaalala ko na Lunes ngayon.

Nakakatamad pumasok. Nakakainis.

Hindi naman kasi talaga dapat ito ung eskwelahan ko. Maaga palang nung bakasyon ako nagpa-enroll sa gusto kong school, natanggap naman ako. Kaso lang, mga ilang araw, tinawagan ako ng school ko ngayon at sinabing nakapasa din daw pala ako dun.

At dahil mas malapit yun sa bahay namin, kahit anong gawin kong ipaglaban ung gusto kong school, inilipat pa rin ako nina mama at papa.

"Ate, lagi nalang tulala."  Hindi ko namalayan na nakatingin pala silang lahat sakin. Hindi ko pa nagagalaw ung pagkain ko.

Masyado siguro akong nadala sa panaginip ko kanina.

...

Naglalakad ako ngayon papasok sa eskwelahan. Tinitignan ko ung ibang estudyante.

Hindi ba sila naiinitan?

Ayokong ayoko na hindi nagpapayong. Pakiramdam ko malulusaw ung balat ko sa araw.

Ayoko ng araw.

...

Tiisin mo nalang. Mabilis lang naman ang panahon. Matatapos din tong school year na to.

Bulong ko sa sarili ko. Hayyy.

Nakayuko akong pumasok sa room. Ayokong tignan sila. Ayong kausapin sila. Gusto ko lang mapag isa.

"Ikaw na.."

"Aba ikaw nagyaya sakin eh.."

"Dali na kausapin na natin siya."

Napalingon ako sa dalawang babae halata mong takot lumapit sakin.

Lagi nalang akong napagkakamalang mataray.

"H--hello" sabi nung isang babae.

Ngumiti muna ako bago ko nagsalita."Hi"

Natapos ang buong recess na nagkukuwentuhan lang kami.

Ang bait nila. Sana, lahat maging ka-close ko sa room na to.

Paglingon ko sa kaliwa. May nakita akong babae na nakaupo.  Maikli ung buhok niya. At mukhang matapang siya.

Tinignan niya lang ako at saka umiwas ng tingin.

Siguro, lahat magiging kaibigan ko, maliban lang sa babaeng yon.

...

Naglalakad na ko ngayon pauwi na magisa.

Tumingin ako sa relo ko at 7:30pm na pala.

Madilim na.

At natutuwa ako.

Ang sayang pagmasdan ng buwan at ng mga bituin.

"Waaaa! Huhuhuhunapunta ang atensyon ko sa batang babae na sumigaw at umiyak habang tinuturo ako.

"Anak bakit?"  Nagaalalang tanong ng nanay niya.

"Huhuhuhu mumu siya mommy."   Aba loko to. Ginawa pa kong multo.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong nasa tapat pala kami ng sementeryo. Walang ibang tao. Kaya ako nga yung tinutukoy na multo nung bata.

"Miss, pasensya ka na sa anak ko ha."  Sabi nung nanay ng bata at tska hinila paalis ung anak niya.

Natigilan ako. Bakit naman kaya niya ko sasabihang multo?

Lumingon ako para tignan sila habang naglalakad palayo. At nagulat ako nung marinig ko ung paliwanag nung batang babae.

"Totoo po mommy, nakita ko po ung mata niya red. Ganun po nakikita ko sa tv na mumu."

Red?!

Brown kaya mata ko. Ibalik ko kaya  kindergarten ung bata para maturuan ng colors. Hayy.

Wala rin naman akong sore eyes. Mga bata talaga.

Makauwi na nga.
...

Nakahiga ako sa kama. Nakatingin sa kisame. Mag aalasdose na. Tulog na silang lahat. Pero ako gising na gising pa.

Sana mapanginipan ko ulit ung napanaginipan ko kanina.

•°•°•°•°•°•
Salamat sa mga nagbabasa :) Comment down for any reaction? Or suggestion.

||•°•HopeThenHurt•°•||




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MardivesWhere stories live. Discover now