Regrets (One Shot)

5 1 0
                                        

Naaalala ko pa kung paano tayo nagkakilala noon. Sa isang convenient store. Malakas ang ulan noon at nakaupo ako habang umiiyak nang bigla kang umupo sa tabi ko na puro pasa at sugat ang mukha. Tinitigan mo ako nang may pag-aalala sa iyong mga mata.

"Ayos ka lang?" tanong mo sa akin. Hindi kita kilala kaya't di kita sinagot at tumayo na ako saka nagmamadaling lumabas nang convenient store na iyon. Sinugod ko ang ulan at tumakbo nang tumakbo hanggang sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luha at patak nang ulan na nasa aking mata.

Nagitla na lamang ako nang may humigit sa akin at yumakap. Muntik na pala akong masagasaan nang isang bus at iniligtas mo ako.

"Pakiusap, wag kang maging ganito. Nakikiusap ako sayo." nanginig ang boses mo bakas na pinipigilan mong humikbi. Parang naging isang hudyat ang sinabi mong iyon upang humagulgol pa ako ng iyak. Sa hindi malamang dahilan ay niyakap din kita nang mahigpit at sa gilid ng kalsada, umuulan ng malakas ay naroon tayo, magkayakap habang umiiyak.

Makalipas ang ilang buwan ay naging matalik kitang kaibigan, mula nang makipaghiwalay sa akin ang boyfriend ko sa convenient store nang araw ding iyon ay palagi ka nang nasa tabi ko upang tulungan akong makabangon sa sakit na ipinaramdam sa akin ng dati kong kasintahan nang makipaghiwalay siya sa akin.

"Keila, make a wish." nakangiting sambit mo habang hawak ang isang simpleng cake na binili mo para sa akin. Ngayon ay kaarawan ko at sobrang saya ko dahil ikaw ang pinakaunang bumati sa akin.

"Wala na yata akong mahihiling pa, Acus." bigkas ko at agad na hinipan ang kandila sa ibabaw ng cake. Iniabot mo sa akin ang isang maliit na kahon na nababalutan ng giftwrapper. Nagtataka kitang tiningnan. "Gift ko sayo yan. Sige na, buksan mo na."

Kaya wala akong nagawa kundi ang buksan na lamang iyon. At sa loob ay nakita ko ang laman nitong pendant. May letter iyon na "A&K" bilang initials ng pangalan nating dalawa. Nadagdagan ang sayang naramdaman ko kaya't agad kitang nayakap sa sobrang tuwa ko.

Madaling araw noon ay tinawagan kita nang umiiyak. Alas dos na iyon ng madaling araw pero dalawang ring pa lamang ay sinagot mo na agad.

"Hello Keila?" ang boses mong kagigising pa lamang ang narinig ko.

"Acus." humihikbi kong sambit.

"O, may nangyari ba? Bakit ka umiiyak?" ang inaantok mong boses ay napalitan ng pag-aalala.

"Acus sorry kung nagising kita. Sobrang sakit kasi ng puson ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko eh." humihikbi ko pa ring sabi habang namimilipit sa sakit.

"S-sige. Pupuntahan kita sainyo. Hintayin mo ako ha?"

"Okay." pinatay ko na ang tawag at nagpagulong-gulong sa kama. Para na akong mababaliw sa sakit ng puson ko nang mga oras na iyon. Buti na lamang at agad kang dumating. Namimilipit man sa sakit ay kuba akong lumapit sa pinto at pinagbuksan ka.

"Ano? Ayos ka lang ba?" nag-aalala mong tanong.

Umiling naman ako. Napansin mo ang pagngiwi ko kaya naman pumasok ka na sa bahay at inakay ako paupo sa sofa namin.

Inilahad mo sa akin ang isang plastic na agad ko namang tinanggap. Nagulat ako sa laman nun. Mga chocolates, gatas, gamot at isang pack ng sanitary pad. Tuluyan nang namula ang mukha ko.

"S-sabi kasi ni mama ay makakatulong daw yan para mawala ang stomach cramps mo." nahihiya kang napakamot sa batok mo at napansin ko din ang pamumula ng tainga mo.

"Salamat." nahihiya din ako at hindi makatingin sa mata mo. Hindi ako makapaniwalang nakayanan mong bumili ng sanitary pad para lamang sa akin.

Nagdaan pa ang mga araw at ang pagkakaibigan natin ay inabot na ng taon. Doon ko napag-isipan ang lahat. Doon ko narealize na mahal na pala kita. Ikaw lang ang nag-iisang tao na palaging nasa tabi ko tuwing may problema ako, ang nag-iisang taong nakakapagpasaya sa akin ng sobra-sobra.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Regrets (One Shot)Where stories live. Discover now