Lahat na lang nawawala pero sana... sana talaga bumalik siya...
Siguro para sa inyo masakit mawalan ng taong minahal niyo ng sobra, oo sobrang sakit talaga. Nakakamatay pero ako? Hindi ko na priority 'yon dahil alam kong wala naman akong mapapala do'n. Kahit anong gawin ko, masasaktan at masasaktan lang din ako. Ayoko lang magtiwala na ulit kaya hinanap ko sa iba ang kasiyahan ko.
Namimiss na kita ng sobra. Nagsakripisyo ako para sa'yo para lang makasama kita dahil alam kong makakatulong ka sa 'kin. Pero bakit ang tanga ko? Pinabayaan kita do'n ng mag-isa, eh ikaw na nga lang 'tong laging nand'yan para sa 'kin. Buong araw kasama kita, hindi kita iniiwan kung saan saan, sobrang close pa nga natin eh.
Flashback...
Nandito kami nila Marj at Nate sa room namin sa Drafting. Lunch time namin, eh konti lang naman ang kinain namin kaya umalis na din kami. Napaaga kami ng alis sa coffee shop kaya eto, kaming tatlo lang ang tao dito.
Buti na lang talaga wala masyadong pinagawa sa 'min. Mas okay na ang maaga kaysa late. Nakakainis nga 'tong mga 'to eh, kanina pa 'ko walang makausap na matino sa kanila! No'ng sinabihan ko si Nate ng tanga kanina dahil umaapaw na 'yong kape sa tasa niya. Sinabihan ba naman ako ng 'tanga mo'to' nakakayamot. Tapos gumaya pa si Marj kaya hanggang kanina wala akong makausap ng matino. Pag-open ko naman ng Omegle gano'n din! Nakakainis na talaga! Eh hindi ko nga alam kung anong meron sa 'moto moto' na 'yan!
"Hoy, inday!! Ba't nakakunot 'yang noo mo ha? Galit ka ba?" Sabi ni Marj. Aha! Babawian ko nga hahaha.
"Galit mo'to!" Sabi ko sabay walkout. Pupunta 'kong cr. Magpapalit ako ng sandwich. Kaway kaway sa naka-gets hahahaha. Kanina pa din masakit ang puson ko. Lecheng PMS 'yan!
Paglabas ko, narinig ko 'yong malakas na tawanan nilang dalawa! Tss kaibigan ko ba talaga 'yong mga 'yon? Pababa na 'ko ng hagdan ng maaninag ko ang kumikinang na noo ng napakagandang prof namin. Hahahaha kung hindi ko lang talaga gusto 'yong tinuturo niya, nako! Bka madalas akong mag-cutting class! Agad akong umakyat ulit sa room.
"Oh? Ba't bumalik ka? Sagutin mo ko ng maayos ha?" Tss kung hindi lang kita kaibigan!
"Andyan na si noo." Sabi ko at sabay sabay kaming tumawa. Andito na pala 'yong mga kaklase namin. 'Di ko napansin pagpasok ko dahil hingal na hingal talaga 'ko. Grabehan! Tinakbo ko galing ground floor hanggang sa 4th floor! Hagdan lang ang gamit ko dahil hindi naman rich 'tong school na pinapasukan ko!
Pumasok na din si noo este yung prof namin. Discuss lang siya ng discuss tapos biglang...
"Gayahin niyo ito *turo sa picture na nasa screen* at ipasa niyo ito bago mag-alas sais. Dismiss." Nagdidiscuss na nga lang eh! May ipapagawa pa! At kailangan mamayang alas sais pa ipapasa! For Pete's sake! Magaalas tres na! 3 hours really?! Eh halos isang buong bahay namin 'to eh! Grrrrr!
"Peste talaga 'yang noo na 'yan! Magpapadismiss na nga lang! May ipapagawa pa!" Sabi ni Nate. Marami ding yamot na yamot dahil sa pinapagawa ni Ma'am Fernando, si noo yan, mahirap kasi talagang gawin 'yong sinasabi niya eh! Na 3 hours LANG namin gagawin 'yon! My ghad!!!
Sabay sabay kaming nagpunta sa tabi ng stage. May dalawang mahabang table kasi do'n na sakto lang sa 'min kasi nasa 40+ lang naman kami, eh siguro 25 ang kasya sa isang table.
After almost 2 hours...
Paunti na kami ng paunti dito. Meaning marami rami na din ang nakakatapos. Ang bilis nila! Ang daldal ko kasi eh! Sht!! Malapit na 'yong deadline! I-baballpen ko pa 'to!
*
Nasan ba yung sign pen ko?! Leche naman! Mukhang naiwan ko pa yata sa locker ko! Tsk! Ang malas ko ngayon! Yung tech pen na nga lang!
"Bilisan mo, Lyn!! 5:35 na!!" Sandali lang! Porket mga tapos na kayo!! Ako naman ang iistorbohin niyo!
"Wait lang!! Malapit na!!" Waaaaaah! Malapit na! Isusulat ko na lang 'yong legends tapos tapos na 'ko!!
"Tara na!!! Tapos na 'ko!!! Ipasa na natin 'to kay noo." Sabi ko habang nag-aayos ng gamit. Sa wakas!! Yehey!!! Wala akong minus dahil hindi ako malelate sa deadline!
Kumatok muna kami sa room niya at pumasok. Pagkapasa namin, nagyaya na agad akong umuwi dahil pagod na pagod na talaga 'ko! Grabe! Wala pa 'kong isang taon sa course ko pagod agad! 6 months palang ako dito. Expected ko na baka sa susunod na buwan, eh puyat na puyat na 'ko at mukha na kong panda sa sobrang laki ng eyebags ko! Para sa pangarap ko! Fighting!
Pagkahigang pagkahiga ko sa kama nakatulog agad ako.
End of Flashback...
Kinabukasan no'n. Tsaka ko lang naalala na nakalimutan ko pala sa table 'yong tech pen ko! Hindi ko napansin kasi ang dami kong scratch paper na nagkalat do'n. At dahil mabait ako sa kalikasan hindi ko tinapon 'yong mga scratch paper ko.
Hanggang ngayon... Hindi pa rin bumabalik yung tech pen ko huhuhuhuhu. Exactly 1 month ngayon na wala 'yon. Hindi ko afford bumili ulit dahil kapos din ako ngayon lalo na at magbabayad pa 'ko para sa next sem.
Ang hirap magmove-on! Ang hirap makabangon no'ng iniwan ako ng mahal ko, yung tech pen ko pa kaya na sobrang mahal ko?! Huhuhuh parte na ng buhay at pagkatao naming mga Arki yan kaya ang sakit sakit.
Kung kayo puro lande este lovelife, ako tech pen is life.
Hindi kasi ako gumagamit ng mumurahing sign pen kasi wala lang, mas maganda din kasi at tumatagal sa 'kin 'yong tech pen ko na 'yon.
-----------------
Published: April 5, 2017
