AMNESIA

24 1 0
                                        

"Babalik akong muli,pangako antayin mo ko".pakikiusap ng isang lalaki sa babaeng umiiyak.

" aantayin kita pangako".agad naman na sagot ng babaeng umiiyak".

Matagal ng nagpapagulo ng isipan ni Marco ang panaginip na iyon madalas pumapasok sa panaginip nya ang isang babae na Hindi nya alam kung anong dahilan, sa panaginip na iyon nangako syang babalikan nya ang isang babae Pero kahit mukha nito di nya maaninag at kahit ang pangalan nito ay Hindi nya alam.

Ang panaginip na iyon ang dahilan ng pagtatalo nilang mag asawa. Si Celine ang matagal nya ng kasintahan kaya d nya alam kung bakit may panaginip sya na ganon maliban nalang kung bahagi iyon ng alaala nyang nakalimot.
Mahigit na pitong buwan na syang may amnesia ang tanging kilala lamang nya ay ang asawang si celine, para sa kanya ang babaeng una at huli na nyang mamahalin.

"Hon, are you done?Tara na magpahinga na tayo",pag aaya ni Celine sa asawa.

" ubusin ko lang to hon,susunod na din ako".tinungga ulit ang huling laman ng baso na may alak.
"

Sumunod kana agad hon, inaantok na ako"

"OK hon"

Wala siyang maalala sa nakaraan,si Celine ang tanging kilala nya at mamahalin niya ng lubusan yun ang tinatak nya sa kanyang isipan.

Aira

Malayo ang tingin ni aira sa malawak na dagat kagaya ng NASA isip niya,walang araw na Hindi sya pumupunta doon dahil iyon na lamang ang iniwang alaala sa kanya ng dating kasintahan na si marco. Wala na siyang balita sa kasintahan buhat nung umalis ito ang tanging pinanghahawakan na lamang nya ay ang pangakong iniwan nito.
Pitong buwan ng nagdadalang tao si aira at dalawang buwan na lang isisilang na niya ang sanggol na nasa sinapupunan niya.
Hindi Alam ni Marco na nagbunga ang isang gabi na pinagsaluhan nila sapagkat huli na nung malaman ni aira na buntis sya.

"Anak,umuwi na tayo at magtatakip silim na kanina ka pa inaantay ng iyong ama". Sabi ni aling Anita sa anak niyang si aira.

" opo inay Tara na po".agad niyang sagot sa ina


Celine

"Ano? Kailan ko pa malalaman ang babae ng asawa qh?" Pasigaw na tanong ni Celine sa kausap sa telepono.

"Mam, may detalye na po akong nakuha ". Natutuwang sagot ng lalaki sa kabilang linya.

" siguraduhin mu lang at masyado ng mahal ang nababayad ko sayo".

"Oo mam siguradong sigurado na".

" siya magkita tayo ngayon din at ibibigay ko na ang pabuya mo,itetex ko na lamang ang address ng pagkikitaan natin."

Nagmamadaling umalis si Celine at napansin iyon ni Marco pero winalang bahala niya na lamang iyon sapagkat sanay na siya na laging umaalis ang asawa kasama ang mga barkada nito.
Tatlong buwan pa lamang ng sila'y ikasal ng kasintahang si celine ngunit ni minsan ay Hindi nagkaroon ng sapat na oras sa kanya ang asawa,lagi na lang itong umaalis ng Hindi sya kasama at iniiwan siyang mag isa.
Ang pagkakatanda niya tatlong taon silang naging magkasintahan ng asawa niya,bago pa siya nawalan ng alaala natatandaan pa niya ang pag aalok niya ng kasal dito.

Dalawang buwan ang nakalipas

Buwan na ng kapanganakan ni aira sa magiging anak nila ni Marco.
Inihanda na niya ang sarili at ang mga gamit na gagamitin sa panganganak niya.Narinig nyang may kausap ang INA sa labas kaya lumabas na din siya para alamin kung sino ang kausap ng INA.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 19, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

AMNESIAHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora