"Glenn .. ayusin natin to! Please! Tayo nalang ulit! Mahal parin kita .. "
sabi ko habang umiiyak.
"Naalala mo pa ba ang sinabi mo sakin noon Mae?? Ako tandang tanda ko pa. Ito ang eksaktong sinabi mo sakin noon:
Please, wag mo na akong guluhin.
Hindi mo ba nakikita na masaya na ako.
Nagagawa ko na ngayon ang mga bagay na gusto kong gawin nung tayo pa.
Bumalik ka sa dating IKAW. Bumalik ka sa dati mong mundo. Bumalik ka Favorite sport mo. Hanapin mo yung mga kaibigan mo na kinalimutan mo dahil sakin. Makipag'bonding ka ulit sa pamilya mo.
Magiging masaya ka rin kahit wala na ako sa buhay mo. Kaya mo yan. Move on."
"Sorry *sniff* .. "
"Makakapag- move on ka rin, Mae. Ako nga nakaya ko. Akala ko nga nakapag'move on ka na rin . Lilipas din yan."
Pakiramdam ko, hinihiwa sa maliliit na piraso ang puso ko dahil sa narinig ko. Di ko pa rin mapigil ang aking luha sa pagpatak. Feeling ko, namamatay ako ng paulit- ulit dahil sa sakit.
Then I saw him walking away from me. walking away from my life.
YOU ARE READING
Time Machine
Teen FictionChildish, Impulive, Selfish - ito ang madalas sabihin ng iba sa ugali ni Mae. Gentleman, caring, Thoughtful, Understanding at Lovable naman ang tawag kay Glenn. sapat na ba ang pagmamahal at pag-aalaga ni Glenn para magbago si mae? o sapat na ang sa...
