Chapter 4- Diana

10.4K 222 7
                                    

Diane's POV

"I see you made your bingwit na. How sad naman you bingwit Tristan." I said sarcastically. Ginaya ko ang conyo tone ni Lara.
"Tsk...tsk... And here I thought you are already patay na." Lara said sweetly. "Honey." baling nito kay Trista. "She s the wicked stepsister that I was telling you."

Nataas ang isang kilay ko. Ako pa ang wicked sa lagay na yun.

"Ladies. Forgive Dianne. She grew up with our trabahador. So sometimes she is maingay." Lara said to my friends.
Hindi nakaligtas sa akin ang OUR TRABAHADOR. Kelan pa nasali sa circle of hacienda etong babae na to.
Tumaas ang mga kilay ng mga kaibigan ko sa nadinig. I saw Trisha type on her phone and our phone beep..

the nerve 😠😤
-sent by Trisha

sabunutan ko na ba?
-sent by Sam

paalisin nyo na.
-sent by Marie

"You are not invited in here... so please Tristan... Take your flavor of the month and leave,"  I said. I saw Tristan's face harden.

"Inggit ka pa din sakin Diane. See you around ladies. I have a feeling we will be a good friend." Lara replied.
Tristan leaves without saying a word even to Trisha. Hindi nya nga pinakilalang kapatid nya to.

"That is your step sister? She is like  Disney step sister came to life." Kaye commented.
"I smell a gold digger," Cheska said.
"You have to look at Tristan, Trish," Sam warned. "Do I need to make tumba yung step sister?"
I snorted. "Hindi bagay sayo ang pabebe Sam."
"You need to go Negros D. If that is your step sister, how worse is your stepmother can be? Your Hacienda might be in great debt." Marie said seriously. She has a point. I need to move.

"Do you want us to accompany you?" Kaye asked.
"Yeah D. Pwede ako sumama sayo." Lise suggested. I am so grateful with my friends. I really. am.

"Ako na lang muna. Tingnan ko ang sitwasyon. Kung ano ang maisasalba."
" D. If you need anything, just anything... wag kang magdalawang isip na sabihin sa amin." Trisha sincerely replied.
"Thanks, girls." I replied. "Wag nyo akong papalitan habang wala ako."
"Juice colored... Kung yung babaeng tikbalang lang naman na pinaparada ni Tristan, thank you very much na lang." Marie replied that made us laugh.
Lumabas na naman ang pagiging kadugo ni Kyle dito kay Marie.

-----------------------
I called Tata Esteban before the plane took off. Naiyak pa sa tuwa si tata ng madinig ang boses ko. Sinundo nila ako sa airport ni Nana Rosing. Sila ang katiwala ko sa Hacienda Soledad. Si nana ang yaya ni mamá.

"Diana." yakap sa akin ni Nana Rosing. Hindi na nasanay si nana na tawagin ako ng Diane. laging Diana..Lagi nag buo kong pangalan.
"Bakit ngayon ka lang umuwi, hija?" tanong nito. Nagmano ako sa dalawang matanda at sumunod sa nakapark na kotse.

"Nana, may balita ba kayo sa kabila?" ang tinutukoy ko ang Hacienda Vicente.
Tumango ang matandang babae.

"Kanino nakasanla?" tanong ko.
"Kay Mayor Salcedo." wika nito.

Si Mayor ang batas sa bayan bayan namin. Matagal na niyang gustong bilin ang lupa ni lolo. Hindi lang pumayag si lolo. At ngayon, baka huli na ang lahat para sa akin.

"Magkano?" tanong ko.

"Hija., magpahinga ka muna." sagot ni nana. tahimik na nagmamaneho si tata.
"Magkano?" ulit ko.

"Natalo sa sugal ang papá mo. Nasa 50 milyon anak. Lumalaki ang tubo. Ang balita, nasa 75 milyon na kasama ang tubo." sagot ni nana.

Nasapo ko ang ulo ko. Bigla itong sumakit. 75M. Saan ako kukuha nito. Magkano lang ang nasa account ko? 5M? Ang pamana ni lolo kahit isama hindi pa din aabot sa 75M.

"Samahan nyo ako bukas ng umaga sa munisipyo." matatag na sagot ko.

Hindi na kumibo ang mga matanda.

Speak for Me (Completed)Where stories live. Discover now