"Era's POV"
Naglalakad ako ngayon sa quiapo hinahanap mga kaibigan ko tangina. Iwan pa more puta. Laki laki ng quiapo tapos simba pa edi ayun ang kinalabasan #naligaw. May natanaw akong manghuhula pero di ko na lang pinansin.
"Iha"- sabi ng manghuhula.
"Hm? Bakit po?"- magalang kong tanong.
"Halika dito maupo ka at huhulaan kita"- nakangiting sabi ng manghuhula.
"Ay hala baka may bayad yan ah"- sabi ko.
"Wala, libre na ito iha para sayo, napakaganda mo pa namang dalaga"- sabing manghuhula.
Kinuha niya ang palad kong nakalagay sa lamesa at para bang binabasa niya ito. Ay bongga totoo kaya to? Baka ineechoss lang ako neto ah.
Ngumiti siya saakin.
"May mangyayare sa hinaharap mo. Hindi mo ito aakalain. Magiging isa kang------" hindi naituloy ng manghuhula ang kanyang nais na sabihin ng biglang may sumigaw.
"Era! Nandito ka lang pala?! Kanina ka pa namin hinahanap!"- hagard na sabi ni Blythe. Isa siya sa nang iwan sakin tapos gaganyan ganyan ang gaga tanga rin eh no?
"Ay hindi nandun, kayo nga ang nang iwan diyan eh"- sabi ko.
"Iha, gusto mo pa bang malaman?"- sabi ng manghuhula.
"Ay hindi na po ale salamat na lang po, aalis na po kasi kami eh"- sabi ko at nginitian ang manghuhula.
Naglakad na kami papalabas ng parang kubo ng manghuhula.
"Anong ginagawa mo dun? Don't tell me nag papaniwala ka dun?"- nakataas kilay na tanong ni Blythe.
"Oo nga?"- sabi naman ni Celine.
"Hindi no, tinawag niya kasi ako kaya ayun try lang naman tsaka wala yung bayad"- tugon ko.
"Oh?"- celine.
"Ah" "Oh ano daw hula sayo?"- blythe.
"Di ko nga nalaman eh, kasi dumating kayo pero wag na di naman yun totoo"- ako.
Nag lakad na kami sa kahabaan ng quiapo, charr syempre nag commute kami. Tapos ayun nakauwi kami sa bahay. Pero iniisip ko parin ano kaya gustong sabihin ng manghuhula? Di ko daw aakalain, baka naman maging asawa ko si James Reid? Oh kaya si Enrique? Tapos magiging sikat ako? Siguro di naman malabo yun kasi nga maganda ako.
"Huy Era!"- sigaw sakin ni blythe.
"Bakit?"- tugon ko.
"Kanina ka pa tinatawag ni tita oh"- blythe. Mommy ko yun tita kasi tawag nila kay mommy.
"Ay bakit daw?"- sabi ko
"Wag na si celine na inutusan"- blythe.
"Ah ok"- ako.
"Bat ba parang lutang ka dyan huh?"- nakakunot at nakapalumbabang tanong ni blythe.
"Wala"- sabi ko.
"Ok"- blythe, sabay tayo at pumunta sa ref namin para kumuha ng pagkain.
Kapal muks ano. Char.
