Di ko na pinansin sabay kami naglakad papunta sa sakayan ng trycicle.

" Teka Maya!" Pigil nya sa kin na sumakay sa trycicle na nakapila.

" Bakit?" Tanong ko.

" Kevin papunta dito may ibibigay!" Sabi nyang kinikilig.

" Okey sige!" Sang ayon ko nalang.

Di naman nagtatagal may kotse na huminto sa di kalayuan at napatingin sa gawing yon si Juja.

Sabay ngiti nya. Understood na yun, na yun ang hinihintay nya.

" Saglit lang pinsan lalapitan ko." Paalam nya.

" Okey sige, go ahead!

Sinundan ko sya ng tingin habang naka hulukipkip ako. Pagtapat naman nya sa kotse agad namang bumukas ang glass window non.

Mga limang minuto sila nag- uusap bago may inabot ang lulan ng kotse sa kanya paper bag.

Ilan saglit pa, kumaway na sya at nagsimula ng umandar ang kotse.

" Hmmm, abot tenga ang ngiti mo ah!" Biro ko kay Juja ng lumapit sa akin.

" He ask me for a date, monthsarry namin sa monday kaso ay pasok!

" Di mo man lang ako pinakilala!" May halong tampo ang boses ko.

" Makikilala mo din yun, nag- aapura din kasi sya binigay lang nya to." Sabay taas sa paper bag na hawak nya.

" Ah, kakainggit naman! Na miss ko tuloy sa Manila." Sad voice.

" Hay, ayan ka nanaman si drama, tara na nga nakakaligo na ko." Yaya nya sa 'kin.

" Naku, nakakaligo ba o excuted ka makita ano laman nyan?"

" Yun na din yun!" At sumakay na sya loob ng trycicle.

" Akala ko manliligaw mo palang?" Tanong ko habang lulan kami ng trycicle pauwi.

" Ah, mag two months na kami sa monday!" Ngiti nyang sagot.

" Loka 'to, lihim mo pa sa dalawa.

" Hmmm, madaldal si ate Jerra baka madulas yun kapag kaharap namin si mama patay ako.

" Cousin, basta you know your limits di naman siguro magagalit si tita at your age di naman masama mag- boyfriend ah!

Bago sya sumagot huminto na sa tapat ng gate ang trycicle at inabot nya ang bayad.

" Yes I know my limits, but alam mo naman mga parents iisipin nila agad boyfriend mag- asawa na agad.

Pumasok na kami sa loob, tahimik kami pag pasok. Diretso kami sa kwarto.

At gaya nga ng binanggit ko di pa man sya totally nakaka pasok sa room binuksan na si regalo.

Nilabas nya ang box na maliit.
Napangiti sya ng makita ano ang laman ng box na yon.

" Assssuuusss,, sabi na kaya apura sa pag-uwi maliligo daw, don't me cous!" Biro ko sa kanya sabay bagsak ng katawan ko sa kama.

" Sira gusto ko na talaga maligo." Kunwari pa nyang sabi.

" O sige sabi mo eh, sige mauna ka na maligo." Sakay ko naman sa sinabi nya.

Kita ko ang excitement nya sa mata halo ang kilig.

Because Of You [SPG] Matured content:Where stories live. Discover now