Palagi niyo nalang akong ginaganito. Ano bang naging kasalanan ko? Ano pa bang gusto niyong pagdusahan ko?
Nakakasawa na po ang ganito
Naging masunurin po ako sa lahat nang pinapagawa niyo sa akin. Kahit labag sa loob ko ginagawa ko parin. Dahil kayo'y mas matanda kesa sakin.
Dahil kayo'y aking nirerespeto. Mataas ang tingin ko sa inyo.
Ni minsan ba naging masaya din kayo sa mga nagiging desisyon ko?
Hindi po ako nagrereklamo. Ni minsan di po kayo nakarinig nang sumbat ko. Sana lang po nararamdaman niyo rin na tao lang din ako.
Paulit-ulit
Paulit-ulit kong naririnig mga pangaral niyo. Pangaral nga ba ang tawag dun o naiinggit lang kayo? Dahil kayang-kaya ko ang sarili ko?
Di po ako nagpapariwara dahil mahal ko ang buhay ko. Kayo ba naisip niyo? Dahil sa panghuhusga lang kayo eksperto.
Mag-iingat nalang po kayong lahat. Mahalnamahal ko po kayo kahit pinapahiya niyo ako nang sagad. Pagpalain po sana kayo nang Ating Panginoon.
-
@stephieteptep - twitter
