Because I'm so Random

4 0 0
                                        



Naaalala ko pa ng unang sinabi mong mahal 

Magkatabi tayo noon ng upuan, sa pinakalikod, sa bandang dulo

Habang ang guro natin ay nagtuturo, panay ang sabi mo na mahal mo ako

Naalala ko, napagalitan pa nga tayo,

Ang ingay mo naman kasi, nahuli tuloy tayo.



Alam mo ba kung paanong tumibok ng sobrang bilis at lakas ng puso ko dahil sa sinabi mo?

Alam mo ba na sa batang puso ko, umasa ako,?

Umasa ako, na sa wakas, sa tinagal tagal ng panahon, napansin mo rin ako.

Nagkamali pala ako, kasi napagtripan mo lang ako

Iba pala ang gusto mo, pang practice lang ba ako?



Lumipas ang isang taon, alam mo ba na ikaw pa rin ang gusto ko?

Ang tanga-tanga naman kasi ng puso ko,

Kahit ilang beses na itong nadurog ng dahil sayo, ikaw parin ang tinitibok nito.

Ilang ulit mang mabasag ang puso ko ng dahil sa iyo,

Pilit ko pa ring isa-isang pinupulot ang bawat piraso nito at inaalay sayo



Naalala ko pa kung paanong kunwari masaya ako sa tuwing tinutukso kayong dalawa ng taong gusto mo,

Ang laki pa kunwari ng ngiti ko, may pasigaw sigaw pa na "uyyy" sa inyo

Pero kahit kailan hindi ako naging masaya sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba

Pasensya na, wala man akong karapatan, pero sadyang ako'y selosa.

PASENSYA NA, KASI MAHAL LANG KITA.


Sa huling taon natin sa sekondarya, ba't sinabi mo na naman saakin ang salitang mahal kita?

Ba't sakin na naman? Dahil ba ayaw sayo ng taong gusto mo?

Dahil ba alam mo na gusto kita at alam mong hulog na hulog na ako sayo?

Dahil ba alam mo na kung saakin mo sasabihin ang mga katagang yun ay sasabihin ko rin sayo na mahal rin kita?

Oo, mahal kita, pero sana naman yang nararamdaman mo, totoo na.

--------

Nakakapagod din palang ikwento kung paano ako nagpakatanga sayo,

Ilang taon din ba ang sinayang ko?

Isa? Dalawa? Tatlo? Ay oo nga pala, sampung taon nga pala ng buhay ko ang inalay ko sayo ng buong-buo.

At sa sampung taon na yun, oo nga, binibigyan mo ako ng pag-asa, na siguro sa pagkakataong ito, kwento naman na natin ang mag-uumpisa

At oo, ako naman itong si tanga akala naman totoo na. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just Random RantsWhere stories live. Discover now