Chapter 1

928 30 2
                                    

"Please Olive, answer the phone" di mapakaling bulong ko habang hinihintay ang pagsagot nang nasa kabilang linya.

Pero natapos na ang pagri ring ay di pa din nito sinasagot ang pagtawag ko.

"Damn!" Inis na binato ko ang cellphone sa dingding.

Walang pakialam kung nasira man ito, kaya ko naman na bumili kahit isanglibo pa nun,

Frustrated na napaupo ako sa sofa at nahilamos ang mukha.

"Problem Bro?" Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang nakangiting si Dylan.

Shit! Bakit habang tumatagal gumaganda etong Asawa ng Ate Johanna ko?

Ka lalaking tao parang babae ang hitsura!

Bakit ko nasabi?

Napakahaba kasi ng buhok nito na umabot na sa likod nito at nakapony tail lamang ito.
Malalantik din ang pilik mata nito na mahaba matangos pa ang ilong at mapula ang labi,

No wonder naloko si Ate Johanna dito,

As in lokang loka to the point na itinago nya sa amin na pamilya nya na mula pa pala highschool si Dylan ay lovers na ang dalawa at mas bata si Dylan kaysa kay Ate Johanna kasi nga ka edaran ko lang ang una...., naiiling pa din na naisip ko.

Oh well wala naman akong karapatan na panghimasukan silang dalawa kasi nagmamahalan naman ng totoo at tapat ang mga ito at hangad ko ang makakasaya kay Ate Johanna at kay Dylan nya yun natagpuan.

"It's complicated....nevermind what brought you here Dylan?" Tanong ko dito.

Ngumiti ito ng matamis.

"May date kami ni Dylan" sagot  ni Ate Johanna na pababa na mula hagdan.

Nakaputing t shirt ito saka maong na kupasin ang kulay at flat shoes, simple at walang make up maliban sa lipgloss at pulbos malayo sa eleganteng Ate ko na Bise Presidente ng Kumpanya namin.

"Oh nandito ka pala Ate Johanna ..." tanging naikomento ko lamang kasi kung sasabihin ko na mag asawa na nga sila tapos nagda date pa din sila na parang magkasintahan lang ang dating ay mahahalata ni Ate Johanna sa boses ko ang inggit.

"Yup, naghatid lang ako ng mga papeles kay Dad" sagot nito saka bineso ako.

"Well, enjoy your date" sabi ko na lang saka ngumiti dito ng pagkatamis tamis.

Kasi buti pa sila nakukuha nila pang magkaroon ng Quality time sa isa't isat kahit na parehas na busy ang mga ito sa kani kanilang mga trabaho,
Samantalang kami ni Olive madalang magkasama dahil sa di magkatugma ang schedule namin na dalawa.

Kumunot ang noo ni Ate Johanna at saka tumikwas ang sulok ng labi.

"Problem with your Girl?" Diretsong tanong nito.

Kahit kailan talaga malakas ang pakiramdam ni Ate Johanna sa mga ganito.

Umiling ako dito saka ngumiti.

"Nothing na di agad maaayos, don't worry about it Ate"sagot ko.

Umingos ito at namaywang.

"I'm not, you know I don't want that Woman,mas magiging masaya ako pag tuluyan na kayong naghiwalay" anito.

"Ate naman!" Angal ko kasi di naman itinatago nito ang pagkadisgusto nito kay Olive, di dahil sa mahirap ito kasi di naman mapagmata si Ate Johanna kundi dahil mabigat ang dugo nito kay Olive.

Inirapan ako nito saka nakangiting humilig kay Dylan.

"Let's go Baby ko" yaya nito saka nagpaalam na sa akin na aalis na silang dalawa.

Inihatid ko pa sila hanggang sa doorway at nang makaalis na ang mga ito ay muli na sana akong papasok nang matigilan ako sa napansin ko na nakatayo sa may gate at titig na titig sa akin.

Naalarma agad ako nang agad na makilala ko ito kaya naman nagmamadali na lumapit ako dito at binuksan ang gate.

"A--avi right?" Palagay ko pinapapawisan ako ng malapot kahit hindi.

Tinaasan ako nito ng kilay pero pagkaraan ay ngumiti ito at saka inabot sa akin ang tatlong tangkay ng pulang rosas na nakatali lang ng pulang laso.

"For you, Sweetheart" anito.

Pakiramdam ko mahaha hyperventilated ako.

Di pa nga kami nagkakaayos ni Olive tapos eto pa ang isa ko pang malaking problema.

Kung papaano makakakawala sa mga kuko ng dalagita na ito.

Mukhang wala etong balak pakawalan ako.

Dahil kaya sa may hitsura ako at mayaman ang pamilya namin?

At isa pang malaking tanong ay kung papaano nalaman ni Avery ang Bahay namin!

Tsk! Tsk! Bata pa lamang ambisyosa na! Naiiling na tuya ng Isip ko.
Malamang talagang hinanap talaga!

Stop it! Agad na awat ng isa pa.
Di ka pinalaki ni Mommy na mapagmataas Rowan! Pangaral pa nito.

Sukat sa isipin na yun ay nakaramdam ako ng pagkapahiya.

I heave a sigh to calm my chest.

"Thank you Avi" sagot ko saka tinanggap ang mga rosas.

I think nabaliktad ang sitwasyon namin kasi dapat ang lalaki ang gumagawa nito.

It is sign of affection that particular someone gave to you,
He/She like you so much and do moves and things to demostrates it, for instances Ate Johanna always do,

Showering gifts for her husband enough to make Dylan blushed much to us amusement.

Unwanted Joy swelled in my heart and it is not a good sign....




CAPTURING ROWANWhere stories live. Discover now