Dorm Mates

10.4K 154 119
                                    

Dorm Mates

Inyi Yruma

 Makulimlim ang paligid at padaglit na kumikidlat ang langit, tanging huni ng mga kuliglig at mga ibon ang madidinig 

na sinabayan pa ng dumadagundong na mga kulog. 

 Sa loob ng isang malaking unibersidad ay naroon ang isang luma at malaking dormitoryo na naliligiran ng malaking puno 

ng akasya.

 Kumakagat na ang dilim nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng sunod-sunod na pagkidlat at 

pagkulog. Sa ‘di kalayuan ay may paparating na isang taxi at isang kulay itim na kotse. Nagmamadaling bumaba ang isang 

lalaki mula sa kotse bitbit ang isang maleta, samantala isa namang babae ang bumaba mula sa taxi bitbit ang body bag 

niya.

 Dahil sa malakas na ulan, nagmadaling nagtungo ang dalawa paakyat sa mababang hagdan ng dormitoryo. Medyo 

nauna ang babae sa pag-akyat ngunit siya ay nadulas, di sinasadyang siya ay nasalo at napayakap sa lalaki, nagkatama 

ang mata ng dalawa at waring tumigil ang ikot ng mundo. Dahil sa lakas ng kidlat at kulog ay bumalik sa ulirat ang dalawa 

at nagpatuloy sa pagpasok ng dormitoryo. Binuksan ng lalaki ang pinto at bumulaga sa kanila ang isang nakakatakot na 

mukha. Nagulat ang dalawa at napa-urong sa kinatatayuan, ngunit ito pala ay isang lalaki na nakamaskara.

 “Sorry… sorry. I might have scared you guys! Come in. Come in. Turoy po kayo” sambit ng lalaki na nag-alis ng maskara. 

Tumuloy ang dalawa sa loob ng dorm. “By the way I’m Ryan Bang and this is Jenny, my pet”

 “Loko ka talaga Ryan. I’m Jenny Kim, welcome sa inyo, your names nga pala?”

 “I’m James. Nice meeting you two.”

 “Hi, ako si Devon”

 “Gelfriend, Boyflend kayo? As in Chuvachichu-chuvachuchu,” tanong ni Ryan.

 “No/Hindi,” sabay na sambit ng dalawa.

 “Ah, akala ko kasi GFBF kayo. You rook good together,” pangungulit pa ni Ryan.

 “Hay naku James, Devon, pagpasensyahan nyo na yan si Ryan, tara sa dining area andoon ang iba pa nating dorm 

mates.”

 Sumama sila Devon at James kila Jenny, iniwan nila ang kanilang dalang mga gamit sa may sala. Sa kanilang pagpunta sa 

dining area, nag-lock ang main door ng dorm ng hindi nila namalayan.

 “James, Devon, coffee muna kayo oh, by the way I’m Fretzie, and sila naman sila Bret, Kyra and Yong”

 “Thank you,” sambit ni James, samantalang nakangiti lang si Devon.

 “It’s weird in here, have you noticed guys?” sambit ni Bret.

 “Oo nga. Nakakatakot, parang laging may nakatingin sayo,” sabat pa ni Kyra.

 “Isa pa, ang laki-laki ng dorm na ito, pero parang tayo lang ang tao,” sambit Yong.

 “Ibig sabihin tayo lang walo dito?” tanong pa ni Devon.

 “Parang ni wala nga na welcome sa atin, wala ring land lady. It’s almost 9PM na, may darating pa kaya?” sambit ni Fretzie. 

Natigil ang usapan nila nang makarinig sila ng sigaw mula kila Jenny at Ryan. “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” at agad 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dorm MatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon