"Oh well sa maniwala ka o hindi. Food is my life. Lalo na ang aking precious Strawberry and chocolates! Waaaahhhh nagkecrave na ko! Tara!"

"Hahaha tara na nga sa mall para matapos na ang kangangawa mo dyan"

Papunta na kami sa kotse ng mapansin ko kasama pala namin si Lucky. -.- Bakit ba kasi kailangan kasama pa namin siya e. Bahala na hindi ko nalang papansinin. Habang nasa daan ngawa na naman ng ngawa tong si Jem kesyo ang sarap daw ng starwberry,alam ko naman yun e pero yung to the point na bibili talaga kapag nagustuhan? Ah! Adik na tong si Jem! Tumango tango nalang ako kahit hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya. Minsan talaga nakakabingi din itong si Jem. Daldal ng daldal. Siya lang naman nakakaintindi. Ewan ko sa kanya!

Pagkarating namin dumiretso kami sa isang botique store. Like seriously? Akala ko ba strawberry at chocolates ang pinunta namin dito? Mood swing? Argh! Hinila niya ko sa loob tas may kinuha siyang mga damit tinapat niya sakin tas itinulak ako sa fitting room.

"Jem akala ko ba strawberry at chocolate ang ipinunta natin dito?"

"Just fit it out!"

Luh? Problema nito? Wala na kong nagawa sinukat ko nalang kesa makipagtalo pa ko sa kanya.

"Happy?" sabi ko pagkalabas ko

"Waaaaaahhhh! Pretty enough girl! My treat!" tili niya pa

Nagikot-ikot pa kami sa botique at nagsukat-sukat. May napili na naman si Jem na damit akala ko kanya na, pero para sakin pa rin pala. Nag-aaksaya lang siya ng pera.

"Jem tama na"

"Girl you should thank me for this instead of stopping me"

"Well okay okay Thank you but... Can you please buy dress for your own not mine!"

"Okay"

Napansin ko si Lucky walang kibo. Well wala akong panahon para kausapin siya.

"Baby let's go to bench"

Hinatak niya si Lucky sa Bench Place. Ibibili niya din ata ng damit. Ewan ko ba dito kay Jem. Kung ano ano na naman naiisip niya. Pagkatapos nun hinatak niya kami sa Quantum. Parang alam ko na ito.

"Tara basketball"

"Game!"sagot ko

Bumili kami ng tokens at naglaro na. Naisipan namin na ang matalo manlilibre. Kaso ang kinalabasan? Fair lang ang laban kasi pareho kami ng score. Wews looks like we have a rematch but nothing happened. Kaya sumayaw nalang kami. Well, Jem is so makulit that's why.

"Jem pahinga ka muna" si Lucky

"Hayaan mo na ko baby minsan lang to"

" Oo nga naman Jem. Pahinga kana muna"

"Looks like wala akong gawa sa inyong dalawa.... Okay okay"

Wews akward!

Umalis na muna kami dun at pumunta sa Shakey's. Kakain syempre. Takaw talaga ni Jem. Kain to the max mga bes! Ng mabusog naman kami. Nagpunta kami sa SM Department Store. Bumili na kami ng kinecrave ni Jem ng matigil na. Pagkakita niya sa strawberry! Ugh! Parang batang nakakita ng Ice cream or Lollipop as in! Nagtatalon talon pa siya dun. Natawa nalang ang mga dumadaan kaya nakitawa nalang rin kami. Isip bata this girl. Ganyan type ko e! Char lang! Di ako tomboy. Natutuwa lang talaga ako sa mga taong isip-bata. Sabi ni Ace isip-bata din daw ako. Sapakin ko siya eh. Pero I admit it, I'm a li'l bit childish. Kung di lang sila magkapatid ni Lucky baka isipin kong kambal kami ni Jem. Wews kaya siguro nagselos ako noon kay Jem kasi akala ko-

Oh! Why am I thinking of Lucky?

Maybe you missed him...

So now.. I'm talking to my mind... Ugh!

Just stop thinking of him Ac...

"Waaaaaaaahhhhh! Tara bayaran na natin ito"

I kennat this! Wahaha. Baliw na ata siya. Akalain mo ba naman yung 2 basket napuno ng mga pagkain. Grabe ang takaw talaga.

Parang ikaw lang yan.... Matakaw hindi naman tumataba...

Bakit siya mas malaman ng konti saken?

Maybe because she's more jolly than you loner! ....

Abat! Teka bakit ko ba kinakausap yun? Hay naku.... Baka mamaya nakukulangan lang ako sa vitamins.

Pagkabayad ni Jem. Umuwi na kami agad. Nahalata ko na kasi na napagod din siya sa pagiikot ikot namin sa Mall. Tsaka time na para uminom siya ng gamot baka mamaya atakihin siya dito lagot na.

Alam nyo ba ang set-up namin? Gusto kasi ni Jem na magkakasama kami nila Lucky ng kwarto. Naalala ko pa yung sabi niya. 'Sama-sama nalang tayo ng kwarto para mas masaya!'
Tumili-tili pa siya noon. Kaya ayan ang nangyari magkakasama kami. Katabi ko si Jem. Katabi naman ni Lucky si Ace. Saya di'ba?

Ang bitter mo talaga...

Ayan na naman kinakausap na naman ako ng utak ko... Nababaliw na talaga ako

Oo nababaliw ka na nga... Nababaliw kay Lucky...

Che! Pati isip ko si Lucky pa din ang laman... Langya nilamon na ng isip ko si Lucky








A/N:
Oh Yeah! Hello Guys! Hindi patay si Ac! Magdiwang! 😂🎉

Ano kayang mangyayari sa susunod na kabanata? Abangan!

Stay tune for the next chapters
Stay solid guys
Support Ac and Lucky

Ms.Jems

Forever Love(Lucky Aces)Where stories live. Discover now