Chapter 1- Señorita D

24.5K 400 7
                                    


Dianne's POV

Nagulat ako ng makita ko si Marites kagabi. Wala naman kasing nakakaalam kung sino talaga ako. Maliban kay Red. Pero siguro meron na silang idea ngayon.

Medyo nagtatampo ang mga kaibigan ko, ramdam ko yun. Pero bawat isa naman sa amin ay merong tinatago. Like Trisha. Nagulantang talaga ako ng malaman kong kasal na pala siya.

Hindi ako pumunta sa clinic ngayon. Gusto kong mag-isip. Nakasanla ang Hacienda. Wala na daw ang ibang gamit ni Lolo at mamá. Si papá ay nalulong daw sa sugal. Pero wala naman bago doon.

Hindi alam ni Marites kung magkano nakasanla ang hacienda. Pero isa lang ang tiyak ko, hindi ako papayag na mawala ang lupa ni lolo.

Ala-una ng hapon ng mag-ding-dong ang door bell ng quarters ko. Kapag sinabi kong quarters, ibig sabihin bungalow house with 2 bedroom and full of furniture. Libre to ni Red sa akin as the main Vet dito sa Country Club.
The perk of being a good employee is to live in the land of riches for free. 😜

"Sino yan?" tanong ko.
"Kami." Sagot ng mga kaibigan ko. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pintuan.

Hindi na kailangan ng paanyaya, kusa na silang pumasok. Kasama si Marie. May dalang mga pagkain. Kung ano anong drinks. Himala at walang nakabuntot na mga gwardiya civil sa kanila.

"Buti pinayagan ka ni Red." Puna ko kay buntis.
"Kailangan kong maglakad lakad eh."sagot nito sapo sapo ang balakang.
"Nang ala-una ng hapon?"tanong ko.

Umupo sila sa sofa at kanya kanya ng higa. Tinaas ni Marie ang paa sa center table.

"Sorry ha. Kailangan kong itaas paa ko. Pupulikatin kapag hindi eh."sabi nito.

"Ok lang. Ano ka ba."sagot ko. Sa kanila din naman lahat ng ito.

"Kulang kayo. Nasaan si Sam?" tanong ko.
"Baka nag-ve-Versace on the floor pa." sagot ni Cheska.
Nagtawana kaming lahat. Kasi nga naman eh.

"Lokong Sam yun. Kulang na lang hubaran si Kyle kagabi sa stage." Puna ni Lise.

"Yuck. Kapatid ko yun. I don't want to hear this."tinakpan ni Marie ang tenga. Nagtatawanan kami ng dumating si Sam.

"Topic ako noh?" tanong nito. Umupo ito sa tabi ni Marie.

Wow sisters ang peg.

"Syempre late ka eh."sagot ko naman.

"Naka-ilang Versace on the floor kayo?" tanong ni Kaye.
"Grabe kayo." Sagot ni Sam. Namula ang mukha. "naka 3 lang."

"Too much information." Reklamo ni Marie.

"Takpan mo  na lang tenga mo." Sagot ni Cheska.

Tawa kami ng tawa. The calm before the storm ika nga.

All of a sudden nanahimik kami bigla.... Walang kumikibo. Alam ko kung bakit silanandito. Kailangan ko pa bang itago.

"So ano na, Señorita?" simula ni Trisha.

OMG. Eto na.

"Urggggg"nagtakit ako ng mukha. "Wag nyo akong tawagin ganyan. Hindi ko langmaalis sa'min, pero ayaw ko nyan. Dianne lang.. or D. Okay na yun."

"Okay D. Ano yung kwento mo? Simulan mo sa una." Sagot ni Kaye. "Saka wag kang sumigaw."

Speak for Me (Completed)Where stories live. Discover now