Chapter #28: #IsItReallyOver?

65 4 0
                                    

Adrian, alam kong pareho tayong naguguluhan sa ating relasyon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Adrian, ayokong masaktan ka pero let's call it quits Adrian. Wala akong iba dito, wala akong ibang minamahal, ito lang ang naisip kong gawin sa ating relasyon. Hindi pa kasi ako handa, hindi pa ito ang tamang oras alamin kung tayo ba ang para sa isa't-isa. Ang bata pa natin para isipin ang mga bagay tungkol sa tunay na pag-ibig. Ginagawa ko lang ito para alamin muna natin ang ating sarili bago tayo magmahal ng iba. Adrian, alam kong nasaktan kung binasa mo to ngayon, pero sana maintindihan mo ako. Kung tayo ang tinadhana, tayo naman talaga diba? Kahit magkalayo pa tayo, kung tayo ang para sa isa't-isa, magkikita pa rin tayo sa takdang panahon, diba? Adrian, wag ka nang magtampo jan. Unahin muna natin ang mga bagay kung anong dapat tapusin ngayon, unahin ko muna ang pag-aaral ko, gusto ko kasi makatapos, ikaw din Adrian, kung gusto mong patunayan na mahal mo ako, gumawa ka ng isang bagay na dapat ika-proud ko sayo. Hintayin kita sa pagbalik mo dito, hanggang sa muli Adrian. Mahal na mahal kita. Wag ka nang umiyak jan o magtampo, sige ka, pumanget yang mukha mo, mawalan ka ng 100% sa kapogian mo, kaya smile ka lang. Think positive. Hindi ako nagbibiro Adrian, gagawin ko talaga para sa ikabuti nating dalawa, pareho pa tayo hindi handa. Hanggang dito lang Adrian, I love you. Ei Correi Diu. <3


-Angeline




*Adrian's POV*

Naguho ang mundo ko habang binasa ko ang message niya sa messenger. Mag-reply sana ako kaso bino-block niya ako, pati cell number niya, out of reach na din, nag panic na ako dito, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tumakbo ako papalabas sa bahay, kung saan saan na lang ako tumakbo hanggang sa mapagod ako at nakahiga sa gitna ng daan. Pinakawalan ba talaga ako ni Angeline? Ano bang kasalan nagawa ko para hiwalayin nya ako, ginawa ko naman ang lahat, mapasaya lang siya, diba. Wala na akong paki kung may gas2x na ako, wala akong pake kung ikapanget ko na ang gas2s na ito, kung si Angeline ang mawawala sa buhay, wala na akong pake kung pumanget ba ako o hindi. 



"Adrian, tumayo ka jan."


May narinig akong boses ng isang lalaki, pucha, baka pantasyahan ako neto. Nagmamadali akong tumayo at lumingon sa kanya.

Adrian: Hey, are you...my ....classmate? You look familiar.
Calum: Yes, it's me, your classmate Adrian. No need to speak English, pareho naman tayo pinoy diba? Ang nakaiba lang sa ating dalawa, transferee ka, ako hindi.
Adrian: What are you doing here? 
Calum: I saw you nakahiga sa gitna ng kalsada, (Itinuro niya sa akin ang bahay niya) That's my house, nung nakita kita, nagmamadali akong lumabas sa bahay, kaya pinuntahan kita. At bakit naman nandito tayo sa kalsada, kung ayaw mong mamatay, umupo na lang tayo dun sa may bench. Tara.


Sumunod ako sa kanya at sabay kaming umupo sa isang bench.


Calum: Ano bang napasok sa isip mo? Magpakamatay kaba, bruh?

Adrian: Of course not, hindi ako magpakamatay. Lovelife problems lang.
Calum: Lovelife? Tss. (May kinuha siya sa kanyang bulsa, and to my surprise, isang yosi.) Eto, gusto mo?

Adrian: No thanks, I don't smoke.

Calum: Really? (Smirk) ede ako na lang.
Adrian: Hey, pwede ka mag yosi, pero wag sa aking harapan.
Calum: OOOppss!! Okay, Mr. Omus. So tell me about your lovelife, wag kang mahiya bro, ako nga dito eh, problemado din sa lovelife, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Adrian: She broke up with me.

Calum: OOppss, sorry. 
Adrian: I think nakipaghiwalay siya sa akin kasi she thought na babalik ako sa pinas this coming April, but I was wrong. May 5 years pa ako dito because of my studies. Hindi na siguro niya kung anong gagawin sa relasyon namin, naguluhan na siguro siya, ako nga rin eh, I don't know what to do. nag send din sya ng isang mataas ng message sa akin. 
Calum: Basta long distance relationship, bihira na lang ang maka survive. Kadalasan, nauwi sa hiwalayan at naghanap ng iba. Depende lang yan sa tao kung magpatukso ka o hindi. 
Adrian: She's not cheated on me, kilala ko siya. She told me she's not yet ready, so nakipaghiwalay siya sa akin, since malayo talaga kami, talagang complicated talaga ang relasyon namin.
Calum: Bro, hayaan mo na lang siya. Let everything flow na lang sa ngayon, hayaan mo, kapag puro na kayo mature mag isip, baka dun na ang time na magkabalikan kayo. Wag kang mag-alala, kung mahal ka nun, hindi ka niya papalitan ng iba.
Adrian: Masakit pa tanggapin eh, parang hindi ako maka move on sa mahabang panahon.
Calum: Ok lang yan. Make yourself busy bro, dapat siya ang maging inspirasyon sa pagpunta mo dito. Wag mo din kalimutan magpaka pogi ah. Kapag makauwi ka na sa pinas, mahimatay yun sa sobrang kapogian mo. 
Adrian: Yowwwnnn!! Ikaw, anong tingin mo sa sarili mo? Pogi ka ba?
Calum: Syempre naman. Hindi lang ikaw ang pinagsigawan ng mga kababaihan, ako din. (smirk)


Parang gusto ko siyang suntukin sa narinig ko, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. -___- Hindi maaring may ka level sa kagwapuhan ko. 



Adrian: Um ano ngang name mo, bro?

Spell Gwapo: A.K.O.Where stories live. Discover now