"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong nya









"Hinahanap kita kanina eh. Pero okay lang iiyak mo lang alam kong hindi ka okay." Sabi ko naman sakanya saka ko sya nginitian habang yakap ko pa rin sya saka nya naman ako niyakap ng pabalik











"Sabi ni daddy pag hindi daw ako nag bago ipapatapon nya daw ako sa Hong Kong at doon na raw ako ag aaral." Umiiyak na sabi nya.










"Kaya mo namang mag bago eh. Alam kong kaya mo yan at alam mo rin sa sarili mo na kaya mong mag bago." Pagpapakalma ko sakanya.











"Anong sa tingin mo kung andito si mommy magiging ganito ba ako? Na bulakbol, bully, matigas ang ulo at basagulero?" Tanong nya habang umiiyak.












"Hindi. Pero hindi mo namang kailangan maging ganyan eh. Maging maayos ka lang okay na ako sayo." Sagot ko












"Thank you kasi lagi kang andito sa tabi ko.." Sabi nya habang yakap ako kaya kumalas naman ako at pinunasan yung luha nya ayaw kong nakikita syang ganito kasi lumalambot ang puso ko sakanya.











"Ano ka ba? Wag ka nang umiyak ayaw kong nakikita kang umiiyak eh. Kalalake mong tao umiiyak ka jan? Tahan na." Pag aalo ko










"Sasha.."







"Uhm bakit?" Tanong ko










"Paano kung may gusto nga ako sayo anong gagawin mo?" Nagulat ako sa tanong nya kanina parang ganyan din yung tanong ni Warrence eh paano kung may gusto nga saakin si Joshua anong gagawin ko?










"Di ko alam.."







"Paano kung may gusto na nga ako sayo anong gagawin mo? Bibigyan mo ba ko ng chance?" Ewan!!!! Di ko alam ang isasagot ko T.T















"Pag iisipan ko kasi ayaw ko yung minamadali ako. Ay naku ewan ko sayo ikain mo na lang yan at gutom lang yan." Sabi ko naman sakanya at tumayo na kami mula sa pagkakaupo at umalis na ng tambayan nila papuntang canteen.











Kaya mong mag bago Joshua wag mong sabihing hindi kasi alam kong kaya mong ibalik ang sarili mo sa dating ikaw.





-----
That feeling malapit na ang graduation namin 4 days to go na lang :D konting kembot na lang. Vote naman kayo as a graduation gift na lang saakin masaya na ako jan.

~메김

When Mr. Bully meets Ms. Nerd Where stories live. Discover now