"Ano ka ba? Wala lang yun saakin at matagal na rin yun." Sagot ko saka ngumiti sakanya. "Alam mo ang swerte sayo ni Wendy."
"Bakit naman?"
"Kasi bagay kayo at mabait ka. Kayo na ba ni Wendy o nililigawan mo pa lang?" Tanong ko
"Nililigawan pa lang gaya nila Dean at Tyrone ang nililigawan naman nila ay sila Gwen at Trisha." Saka sya ngumiti saakin.
"Sasagutin pa kayo ng mga nililigawan nyo soon."
"Thanks."
"Eh paano na si Joshua? Sino naman ang nililigawan nya?" Tanong ko sakanya kaya natawa naman sya ano bang nakakatawa sa sinabi ko?
"Saaming apat sya lang yung single kaya minsan niloloko namin syang bakla pero kahit isa wala syang nababanggit saaming tatlo na nagugustuhan nya. Nagulat nga ako eh nung umamin sya saaming dalawa ni May na may nagugustuhan na syang iba syempre bilang pinsan nya kami ni May susupportahan na lang namin sya kung saan sya masaya. Pero sila Dean at Tyrone di nila alam about jan."
"Ang lucky naman nung girl." Nasabi ko na lang pero ewan ko ba kung bakit may kumirot sa puso ko.
"Kaya nga eh dahil sya yung first love ni insan." Sagot nya swerte talaga kung sino man yung girl na yun. "Andito na tayo pag wala sya sa may billiaran baka na sa bowling hall yun pero kung wala din dun baka nasa may salas yun. Ingat ka ah? Alis na ako." Saka nya ako nginitian.
"Ah sige. Thank you,Warrence." Nginitian nya na lang ako saka sya umalis.
Pumasok naman na ako sa loob actually maganda 'tong tambayan nila dahil parang bahay lang kaso ang lawak sa loob hinanap ko naman sya sa billiaran wala sya doon sa may bowling hall wala din isang kwarto na lang ang itra-try kong pasukan pag wala pa rin sya jan sa rooftop ko namang itra-try na hanapin sya. Pumasok naman na ako at nakita ko namang may hawak syang picture habang umiiyak ibang-iba ang itsura nya ngayon kesa kanina na galit at nakakatakot pero ngayon? Ito sya umiiyak at malungkot umupo naman ako sa tabi nya at niyakap sya nagulat pa nga sya eh.
YOU ARE READING
When Mr. Bully meets Ms. Nerd
Non-FictionSasha Mae Nam - Simple lang naman sya na babae pero may pagka-mysteryosa pero di nga lang halata kasi lagi syang mag isa o kaya loner kumbaga, laging libro lang ang hawak at may salamin unlike sa ibang mayayaman, makapal na nga ang make up gala pa n...
Chapter 24
Start from the beginning
