"okay doc salamat." Sagot ko

"mauna na ako sa inyo Mr. & Mrs. Montenegro" paalam nya at paglabas ni doc pumasok naman and buong angkan ng mga Sanduval

"okay lang ba sya Stephen?" nag aalalang tanung sakin ni mama at papa

"yes ma pa , okay naman na po sya sabi ni doc sa pagud daw. Baka sa byahe lang po papunta kina mommy, kaya bilin ni doc mula daw ngayon need nya na mag bed rest muna hanggang sa manganak sya"

"mabuti naman kung ganun." Mama

"sabi kasi wag na lumabas ng bahay eh" papa

"eh pa ang tigas ba naman ng ulo ng buntis na yan eh, mapilit din" ate eris

"ate eris sabi kasi diba kelangan ibigay lahat ng gusto ng mga buntis" Justine

"oh sya tama na nga yan umuwi na kayo mga anak ako na lang sasama dito sa kuya Stephen nyo para magbantay" Sabi ni mama.

"ako din" papa

"wag na eric samahan muna sa pag uwi ang mga bata" mama

"ah okay ma, kung yan ang desisyon mo." napipilitang sagot ni papa. At nag paalam na nga sila isa-isa kina mama. Pagkaalis nilang lahay napabuntong hininga si mama.

" ma? Okay ka lang ba?"nag aalalang tanung ko

"yes iho, okay lang ako" sagot nya at tyaka sya ngumiti ng pilit.

Nag away kaya sila ni papa? May problema ba silang hindi sinasabi sa amin?

MARIE POV

"pano mo nalaman ang number ko" tanung nya nung dumating sya sa meeting place naming na sinabi ko

"kelangan kitang makausap, tungkol sa anak natin"

"anu bang pinagsasabi mo Marie? Anak? Anak natin? Pano nangyaring nagkaanak tayo?"

"Please eric pakinggan mo muna ako, wala naman akong planong guluhin kayo ng pamilya mo, pero ilang bwan na ang nakakaraan eric hindi ko pa sin sya mahanap, magpapatulong sana ako sayo sa paghahanap ng anak natin" pakiusap ko sa kanya

"kung tulong ang lang hinihingi mo dapat nagsabi kana agad hindi yung sasabihin mong anak natin ang nawawala Marie"

"eric makinig ka *sob* anak natin ang nawawala, hindi lang naman ako nagsabi sayo na nabuntis ako nun dahil ayokong masira ka sa pamilya mo, pero nagyon nagmamakaawa ako sayo eric. Tulungan mo akong mahanap ang anak ko, ang anak natin."

"tama na ang panlilinlang mo sakin Marie, hindi mo ako maluloko. Pano ka nakakasiguradong ako ang ama ng anak mo kung hindi lang naman ako ang lala----"

PAKKK!!

"oo isa lang akong waitressss eric nung nakilala mo ako pero hindi ibig sabihin nun na kung sino-sinong lalake lang ang mga nakakasama ko sa kama. Kahit magpa DNA test pa tayo. May mga naiwang mga gamit ang anak ko sa bahay na pwede nating gamitin sa DNA test. Kung DNA test lang ang kailangan para matanggap mo ang anak ko na anak mo din, gagawin ko.

"Marie hindi kita maintindihan kung kelan maayos na kaming lahat tyaka ka babalik at sasabihing nagkaanak tayo."

"dahil matagal na nya gustong makilala ka, pero sana noon po lang pinakilala ko na sya sayo eh di sana hindi na hahantong sa ganito."

She's My Sexy Slave [Away Pamilya]Kde žijí příběhy. Začni objevovat