"wow, ang ganda mo teh!"

Pumasok na ako loob ng van. Pagpasok nakuhaan pa kami ng picture. Ang dami ngang shots eh, puro ako ang kinukunan nila. >.< ang ganda ko daw kasi. After a ilang minutes, nakarating na kami sa school. Maganda ang set up ng school namin. Paskong pasko ang dating. Ang dami nang students. Parang napaka-garbong party ito.

"Guys, wait lang ah" umalis si Denise at pumunta kung saan.

"teka lang, CR lang ako" ganun na din si Kaye.

"Ay, puntahan ko lang sila Mench ah wait" umalis din si Fenri. -_- teka nga, nakakahalata na ako sa mga 'to ah.

Napatingin ako sa tabi ko. Nagkatinginan kami ni Delilah. Tahimik lang naman siyang nakatingin sa akin. Buti na lang hindi siya aalis. ^_^. Pero mali ako ng sinabi. -_-

"Amiko may kukunin lang ako sa van. Yung book ko." Umalis din si Delilah.

T^T iwan ba naman ako. Naupo muna ako sa table namin malapit sa stage mismo.

Napapahanap ako. Lingon ako ng lingon kung saan-saan. Nasaan na kaya yun?

*lights off*

Napuno ng muni-muni ang buong event place dahil sa biglaang pagpatay ng ilaw. Maging ako nagulat sa biglaang pagpatay ng ilaw.

*spot light*

Huh? O.o nanlaki ang mata ko ng tumapat sa akin ang spot light.

"She's my everything. She is my world" O///o biglang lumabas si Francis sa stage. He looks so handsome on his full white suit and a black boe tie. "She might look so creepy. She might be the last person in world you expect to be a princess" tumingin ito sa akin. "Akala ko, hindi totoo ang nararamdaman ko." His eyes, full of emotion. And his voice that lingers in my mind "pero, mali ako. Kasi, now I realize, how much I love her" biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Siya ang babaeng una kong nagustuhan. Ako na rin yata ang lalaking unang nagkagusto sa kanya" medyo natawa siya nung sinabi niya 'to, ganun na din ako. "Pero it doesn't mean na hindi siya maganda. Dahil, para sa lahat siya ang pinakamaganda"

Nag-umpisa nang tumugtuog ang isang kanta. Yung intro ng song. Fit na fit sa scenario namin ni Francis.

"maraming nangyari. Maraming kasinungalingan ang nangyari. Pero hindi ako makakapayag na ito ang sumira sa aming pinagsamahan at bubuuhing pagmamahalan."

Nagtilian na ang mga students. "Amiko Gonzales...this song is for you.."

Lumakas pa ang mga hiyawan ng mga students. Ako naman, nahihiya na pero napapangiti ako na naluluha na.

♪♪Didn't mean to take you for granted

Didn't mean to show I don't care

Didn't mean to throw away this once in a lifetime of chance

Being with you♪♪

Naalala ko. Lagi niya akong inaasar. Lagi niya akong binabato ng mga bagay-bagay. Lagi niya akong kinakaladkad. Pero, alam ko naman na, masaya lang siya tuwing kasama niya ako.

♪♪And I'll drive for 2 hours

To bring Butterfingers

I don't mind the distance

This kismet's a dance♪♪

Noong unang beses na isinayaw niya ako. Para na akong nasa langit noon. Dati pa man, alam kong may pagtingin na ako sa kanya. Pero, natakot ako. Natakot na hindi niya ako gustuhin. Pero wala palang mangyayari kung ganun na lang. Darating din sa time na sasabihin mo rin ang nararamdaman mo.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now