ㅇㅅㅇ

141 13 1
                                    

l a l i c e

°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

"Ayoko ngang mag-cotillion, Rose." parang abno lang tong si Chaeyoung?! Gusto magcotillion eh puro higher year yung mga nandoon.

"Wag mong sabihing nahihiya ka kay Taeyong?!" luh bat kaya ako mahihiya dun?

"Hindi ako nahihiya doon no. Ayoko lang talaga. Ikaw kasi tiningnan mo lang yung crush mong si Taeil. " tinakpan ni Rose yunh bibig ko pagkasabi ko ng pangalan ng crush niya, ano ba yan amoy bagoong pa kamay nitong babaeng 'to.

"Gaga wag ka ngang maingay." aba inirapan pa ko ni baba.

"Sige na kasi Lisa. Lilibre kitang isaw!"

Isaw. . . isaw. . . isaw. . .

"Pakyu ka pagdi mo tinotoo yan."

Hinila na ko ni Rose papunta sa gym at nadatnan namin sila Jennie at Jisoo na nakaupo, sasali din sila?!

Sabagay, kasali rin kasi yung boypren ni Jennie na si Johnny. Ang galing no? Jennie, johnny, jennie, johnny, yes papa? Eating sugar? No papa? (hala sorry corny)

"Hoy, Pokpak!" lumingon ako at may nakita akong naglalakad na bakla ay joke

"Uy Jennie!" teka....

"Ay Chittaphon pala!" tangina nakakahiya?! Pinagtawanan pa ko ng mga tao sa gym?! Mga animal!

"Gago ka ginawa mo kong babae!" sabi ni Ten, inirapan ko lang siya.

"huy, tayo partner ah?" sabi ni Chittaphon tapos biglang kinuha yung kamay ko at nagpacute. Kakasuka ha

"Ayoko nga, may kapartner na ko. " hinablot ko yung kamay ko at pinagpag. Mas okay ng safe baka may germs eh.

"Talaga? Sino?!" hala ngiting ngiti pa si gago.

"Si Taeyong ba? " napakalakas pa ng bunganga ng animal na 'to. Parang nakalunok ng sandamakmak na mic.

"ulol hindi no."

"Taeyong! Si Pokpak ba kapartner mo?" hala sige sinigaw pa ni gago. Nag-ayie lahat ng NCT habang sila Jisoo naman ay nakataas ang kilay sakin, punyeta kasi 'tong si Chittaphon?!

nonsensicalWhere stories live. Discover now