Papaano kung wala na ako?

119 5 0
                                    

Ano na kaya ang mangyayari kapag ako ay wala na?

Marami kaya ang magluluksa o magsasaya?

Papaano na lang kung bukas ay mangyari ang lahat?

Mahuli ka kaya sa pagsasabi mo sa’kin ng tapat?

Alam kong alam ninyo na masiyahin akong tao.

Subalik kabaliktaran nito ang tunay na ako.

Papaano ko kaya maipaparating sa inyo?

Kung nahihirapan ako na sabihin ang totoo.

Sana’y malaman ko kung gaano ako kahalaga.

Nang ako’y makuntento sa buhay kong walang kwenta.

Ang tingin ko na nga sa buhay ko ay parang basura.

Dahil puro pasakit lang ang aking natatamasa.

Papaano kaya kung mawala na talaga ako?

Hahanap-hanapin nyo pa kaya ang tulad ko?

Siguro kapag nawala na ako sa mga buhay nyo,

doon palamang lalabas ang tunay na halaga ko.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.Where stories live. Discover now