Advantage na gabi na kaya naman walang masyadong traffic kaya naman nakarating agad ako.

Pagpasok ko pa lang ng mall hindi ko na alam kung saan ko hahanapin si Jhoana. Hinayaan ko na lang kung san man ako dalhin ng paa ko.

Habang nagiikot ako mas nagfocus ako sa mga favorite na kainan ni Jho kasi monster yun sa pagkain kaya nagbakasakali na doon sya makita.

Pero kahit isa sa mga yon hindi ko sya nakita. Kaya naman wala akong choice kung hindi isa isahin lahat ng tindahan sa mall.

Tumingin muli ako sa phone ko baka nagtext na si Jho pero wala pa din. Kaya tinawagan ko uli sya pero ganon pa din. My feet really hurts now. Nasa 4th floor na ko pero kahit anino ni Jho hindi ko pa nakikita. Where are you na ba?

Napacheck ako sa wrist watch ko and malapit na pala magsara yung mall. Ano Jho? Sinulit yung aircon dito sa mall? Hays.

Pasakay na sana ako pababa ng escalator when someone call my name kaya naman agad ako napatingin sa kung sino man sya.

Pagkatingin ko sa taong tumawag sakin ay agad syang kumaway at lumapit sakin.

Napakunot ang noo ko ng bigla nya akong halikan sa pisngi kaya bahagya akong napaatras sa ginawa nya.

"Woah chill B. Remember me?" She flashed a smile and make pacute to me.

"Omg J?" Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na si Ej pala yung nasa harap ko ngayon. Nakaramdam ako ng pamilyar na pagtibok sa dibdib ko.

Totoo pala na kahit hindi mo makita o makasama yung isang tao kung talaga mahal mo to hindi mawawala yun ng basta. Btw she's not aware of it. I keep this as a secret because of some matter. May kailangan kasi ako ayusin nun kaya hindi ko tinuloy yung feelings ko sakanya.

"The one and only."Kinindatan pa nya ako pagtapos. Niyakap ko sya sa sobrang pagkamiss ko sakanya kaya naman niyakap nya din ako pabalik.

Hindi ko sya nakilala dahil sa kulay ng buhok nya and then sa eyeglasses nya. Oh yeah its been a long time since we saw each other. 6 months I think? 6 months na din pala kaming magkakilala ni Jho? Wow time flies nga naman.

Si Ej Laure, sya lang naman yung naging confidant ko nung mga panahong broken pa ko kay Maddie. And habang nagmomove-on ako since sya lagi yung kasama ko nun dahil dun muntik nang sya yung maging rebound ko kay Maddie. Because umamin sya sakin na mahal nya na daw ako. Yes I do have feelings for her too but hindi ko hinayaan na mangyari yun dahil hindi nya deserve na maging rebound lang.

Ganon talaga siguro ano? Kung sino yung nandyan lagi sa tabi mo at nagcocomfort sayo hindi mo maiiwasan na hindi mahulog. Mas mamahalin mo yung taong nag stay sa tabi mo even at your worst days of your life.

Kaya sabi ko sakanya na aalis muna ko para makalimutan si Mads at para kapag narealize ko na mahal ko sya, hindi masasabing rebound sya dahil lang sa di pa ako makamove on kay Mads. Kaya naman I decided na sumama kay ate Ells here sa Phil kaya naman naudlot yung kung ano mang dapat mangyari samin ni Ej nun.

And yes I know. Nakareserve na ang puso ko bago pa ako pumunta dito. Hindi ko din maintindihan sa sarili ko non na kahit na nasaktan na ako non nagawa ko padin mahalin si J sa kabila ng lahat. I dont get it.

Kahit kanino wala akong pinagsabihan sa feelings ko para kay J. Even Jho. Hindi nya din kilala si J because hindi ko naman sakanya kwinento yun. I dont know why basta ang alam ko inassure ko yung feelings ko kay J while Im staying here.

But there are days na hindi ko naiisip si J because of Jho. Pero nung nakita ko uli sya kanina hindi ko nanaman maiwasan ang mahulog.

"What brings you here J? Oh God I miss you!" Niyakap ko uli sya kaya naman napatawa lang ito.

YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)Where stories live. Discover now