* PROLOGUE *

2 0 0
                                        

" Ano'ng lugar to?  Bakit ako nandito? "
Ang unang mga salitang aking nasambit mula nung ako'y nagkamalay.

Wala akong maalala, wala akong matandaan, basta na lamang ako nagising sa gitna ng kung saan man, lugar na hindi ko pa napupuntahan. Maraming puno sa paligid kaya sa palagay ko ay nasa gubat ako.
Napakalakas din ng ulan, siguro ay may bagyo.

Bakit ako nandito sa gitna ng ganitong sitwasyon? Hindi ko pa din maintindihan ang mga nangyayari pero sa palagay ko'y kailangan ko makahanap ng ligtas na lugar na masisilungan ko hanggang sa tumila ang ulan.

Ayun!  May lighthouse sa itaas, doon na lang muna siguro ako tutuloy pansamantala.

Paakyat ako sa matarik na daan patungo sa lighthouse ng aking maaninag ang karagatan, may isang malaking buhawi.

Dali dali akong umakyat para makita ito ng mas malinaw.

"Oh my God! "😱😱

Ang mga buhawi papalapit ng papalapit hanggang sa.... " WAAAAAAAAAAAAAG.... "

As Time Goes By... Where stories live. Discover now