"Move on ,move on hindi naman mag on". Ito na yata ang pinakasakit na naramdaman ko sa aking buhay pag-ibig.Yung tipong "kayo pero hindi", natatakot na magkamali sa responsibilidad bilang mag syota.
Si Celine ang hindi sikat sa paaralan ngunit sikat sa puso ng mga kaibigan.Palakaibigan, hindi kagandahan at may kunting ibubuga sa klase. Labing siyam na taong gulang na nakaramdam ng saya sa puso sa piling ng isang laaki na si TJ. Siya ang hayskul batchmate ni Celine at sikat si TJ dahil siya ay transferee. Kalaunan ay naging teyksmet sila sa di inaasahang pagkakataon at dito nagsimula ang kanilang love story. Dumating ang araw ng kanilang pagkakalabuan,matapos ang kilig at saya sa piling ng dalawa ay natapos din ang kanilang relasyon. Si TJ na mismo ang umayaw at nagparaya na lamang si Celine dahil mahal na mahal niya ang lalaking ito.
Summer class nang may nagteks kay Celine.
"hi Celine " teks na hindi alam ni Celine kung sino.
"sino to ? " sagot ni Celine.
"Si Vin 'to kinuha ko number mo kay Belle." teks ulit ni Vin.
Araw-araw silang magkateks ni Vin .Hindi alam ni Celine na may lihim na nararamdaman sa kanya si Vin. Hanggang isang araw ay nagtapat si Vin ng kanyang hangarin kay Celine. Naramdaman ni Celine na may pag-aalinlangan pa siya at sinisiguro muna niya kung handa na ba siya sa kanyang papasuking relasyon. Dumating ang araw ng nakalimutan niya ang mga masasakit na idinulot ni TJ nang maramdaman na ni Celine na inlove na siya kay Vin ay ipinagtapat niya na rin ang kanyang nararamdaman para sa lalaki. Masyadong mabilis ang mga pangyayari ngunit isa lang ang alam ni Celine na malabong maging sila ni Vin kung kaya't tinawag niyang"its complicated " ang kanilang relationship status. Huli na ang lahat ng malaman ni Celine na may kasintahan na si Vin kung kaya't napag isip-isip niyang mag move on na lamang sa nakaraan.
Isang araw ay pumunta ng internet shop si Celine at nag research ng kung anu-ano. Hinanap niya ang mga bagay na makakalimot sa isang tao , lumabas dun ang "10 WAYS TO MOVE ON". Isa-isa niya itong binasa. Una, burahin ang cellphone number at wag na siyang kontakin pa. Pangalawa, gawing busy o abala ang iyong sarili. Pangatlo,makipaghalubilo sa iyong mga kaibigan. Pang-apat, lumabas kasama ang iyong mga kaibigan at aliwin ang sarili. Panlima, itapon ang mga bagay na makapagpapa-alala sa kanya tulad ng litrato. Pang-anim, i block o i unfriend siya sa social media tulad ng facebook. Pang-pito, alagaan at mahalin ang sarili. Pang walo, makipagmingle o makipagdate ulit sa iba. Pang siyam, ' wag kang makipagkaibigan sa kanya at panghuli ay tumayo at lumaban para sa ikabubuti ng sarili dahil hindi lamang sa kanya umiikot ang mundo mo. Nang matapos niyang mabasa ang mga iyon ay napagtanto niyang kaya niyang gawin ang lahat maliban sa pang siyam. Ang huwag makipagkaibigan sa kanya dahil doon sila nagsimula ni Vin, sa pagiging magkaibigan at kailanman ay hindi niya iyon basta na lamang maitatapon.
Nakalipas ang anim na buwan.
"mahal na mahal kita Vin ." wika ni Celine.
"mahal na mahal din kita Celine." tugon ni Vin na nakangiti.
"Ang baduy palang pakinggan ng mga linyang 'yun buti nalang hindi naging tayo. " wika ulit ni Celine.
" Bakit naman eh patay na patay ka nga sa'kin noon. Di ba? hahahaha." mapang-asar na sabi ni Vin.
Ang kapal talaga ng mukha mo. Hoy Vin pero seryoso ha, salamat kasi kahit na hindi naging tayo, naging mabuting kaibigan ka sa'kin." tugon ni Celine habang seryosong nakatitig ito kay Vin.
"Oo naman best." nakangiting wika ni Vin.
"Bestfriend forever. " sabay nilang sabi habang nakatitig sila sa isat isa.
Sa ngayon, hindi man niya malimutan ang kanilang pinagsamahan ni Vin ay may natutunan naman siya sa kanyang mga naging karanasan sa pag-ibig at iyon ay ang minsang masaya at magparaya.
* WAKAS *
