Dance! (Ooh-hoo~) I Wanna Dance Dance Dance Da-Dance 
Fantastic Baby~
Dance! (Ooh-hoo~) I Wanna Dance Dance Dance Da-Dance
Wow Fantastic Baby~

“Ang cute niyo naman kapag kumakanta, Miss Atasha. Idol niyo ba ang Bigbang?” tanong niya kaya napahinto ako sa pagkanta.

“Hindi naman. Pero alam ko ang mga kanta nila. Ikaw po ba?” tanong ko naman sa kanya.

“Sobrang iniidolo ko sila. Sinusubaybayan ko sila palagi sa social media.” sagot naman niya.

Hindi na ako nagsalita ulit. Nag-iba na kasi 'yung kanta. Nakakatuwa naman na kahit may katandaan na siya, mahilig pa rin siya sa ganoong klase ng kanta.

Saan kaya kami pupunta? Mayamaya pa'y huminto na ang sasakyan.

“Nandito na tayo. Naghihintay na si Sir Jin sa loob.”

Tumingin naman ako sa hinintuan namin.

“Dito sa bar? Sigurado po ba kayo? Bakit naman siya magpapasama sa akin dito?” nagtatakang tanong ko.

“Dito ko hinatid si Sir Jin kanina. At ang sabi niya, dalhin din kita rito.”

Nagdalawang isip naman akong bumaba. Ano bang gagawin ko? Baka tanggalin ako n'on kapag hindi ako sumunod. Ang unang utos niya sa akin, susundin ko siya. Siya lang at wala ng iba.

Bumaba na lang ako ng sasakyan kahit labag sa loob ko. Pagpasok ko pa lang sa loob ng bar, tinakpan ko na agad ang ilong ko sa amoy ng sigarilyo at alak na naghahalo.

Pansin ko na rin ang iilang kalalakihan na iba ang tingin sa akin at mga babaeng parang tinatawanan ako. Hindi ko sila matignan sa mga itsura nila. Parang ang wild nilang lahat.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na si Boss Jin na may naka-kandong na babae sa hita niya at dalawang lalaki na may mga katabi ring babae.

Nang magtama ang paningin namin, bumulong siya sa babae. Tumayo naman 'yon ngunit humalik muna sa labi niya bago lumayo.

“Come here, Atasha!”

Napatingin naman sa akin ang mga kasama niya nang tawagin niya ako. Shit! Bakit ba nandito ako? Bakit niya pa ako sinama sa ganitong lugar?

Lumapit naman ako sa kanya ngunit hindi ko naisipang umupo. Ayokong magtagal sa lugar na 'to.

“Sit.”

“P-po?”

“Tss!”

Wala naman akong nagawa nang iupo niya ako. Magkatabi kami ngayon at nakaharap sa mga kasama niya. Sa pagkailang ko, medyo lumayo ako sa kanya ngunit lumapit na naman siya sa akin at umakbay pa.

“Stay here for a while. I need you now.” bulong niya sa tenga ko na nagpatindig ng balahibo ko.

“Hey, handsome! Wanna play with me?”

Napaiwas naman ako ng tingin sa paglagpit ng babaeng maharot na kumandong pa sa hita ni Boss Jin. Dinig na dinig ko naman ang tunog ng bawat halik niya na ikinainis ko.

Bakit niya ba talaga ako pinapunta rito? Para makita ko kung ano ang gagawin nila ng babaeng 'to?

“No thanks. I'm with my girlfriend. We are going to play later.” dinig kong sabi ni Boss Jin sabay hila sa akin palapit sa kanya.

“Fuck you, Jin! Maghihiwalay din kayo!”

Napatingin naman ako sa babae na lumayong may galit kay Boss Jin. Teka, pinapunta niya ako rito para maging shield niya sa mga babae na lumalandi sa kanya? Eh mukhang gusto naman niya. Bakit hindi na lang niya patulan?

“Girls, iwan niyo muna kami. May seryoso lang kaming pag-uusapan ng kaibigan ko.” ani ng lalaki na nasa harap ko.

Umalis naman ang dalawang babae. Apat na lang kami ngayon na nandito sa isang table.

“May girlfriend ka na, bro?” natatawang tanong ng isa sa kanila kay Boss Jin.

“Yes / Hindi.” magkasalungat na sagot namin ni Boss Jin. Shit! Yes daw? Nasisiraan na ba siya?

“Woah! Ano ba talaga? Yes or No?” tanong pa niya.

“Hindi talaga. Kasambahay lang niya ako.” sagot ko.

“Whatever!” ani naman ni Boss Jin.

“Kasambahay ka? Sa ganda mong 'yan kasambahay ka lang? By the way, I'm Shawn. And you are?” tanong naman ng isa sabay lahad ng kamay sa akin.

“Atasha.” sagot ko. Makikipag kamay na sana ako kaso biglang inabutan ng beer ni Boss Jin si Shawn kaya ibinaba ko na lang ang kamay ko.

“Steve nga pala.” pakilala naman ng isa.

“Pwede bang lumipat ka na lang sa akin? Mas tataasan ko pa 'yung pinapasahod ni Jin sa'yo?” ani ni Shawn na ikinatawa ni Steve.

“Uminom na lang kayo. Huwag niyo siyang idamay sa kalokohan niyo.” sabi naman ni Boss Jin.  Naramdaman ko na naman ang mainit na hininga niya sa tenga ko. “Don't mind them or else, I will give my second command.”

Uminom na ulit siya at tinanggal na ang kamay niya sa balikat ko. Ano ba 'tong pinasukan ko? Natatakot ako sa mga utos niya. Paano kung hindi ko kayanin ang mga susunod pang ipapagawa niya?

*****
Nakasandal ang ulo ni Boss Jin sa balikat ko dahil sa sobrang pagkalasing. Tumawag ako kanina kay Manang Celia para magpasundo sa driver na iuwi na si Boss Jin.

Ang sabi ni Shawn at Steve kanina, marami na raw nainom talaga ang kaibigan nila. Ganito raw si Boss Jin kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya.

Pagkarating namin sa bahay, inakay na si Boss Jin ng driver niya papunta sa kwarto. Nakasunod naman kami ni Manang Celia sa kanila.

“Kukuha muna ako ng bimpo at tubig para mapunasan mo siya. Dito ka muna, Atasha.” ani ni Manang Celia nang maihiga na si Boss Jin at makaalis ang driver.

“Sige po, Manang. Ako munang bahala.” sagot ko.

Lumabas na siya kaya lumapit na ako kay Boss Jin. Hinubad ko na ang sapatos niya at itinabi 'yon sa gilid ng kama. Habang wala pa si Manang Celia, umupo muna ako sa tabi niya at pinagmasdan ang kanyang mukha. Kahit lampshade lang ang nagsisilbing ilaw dito sa kwarto niya, kitang-kita ang kagwapuhan niya. Napakatangos talaga ng ilong niya at napakakinis ng balat. Halata sa kanya ang pagiging mayaman niya.

“Charity.” bigkas niya at biglang napadilat ang mga mata.

“Ayos lang po ba kay---” hindi natuloy na tanong ko nang bigla niyang ilapit ang mukha ko at pinagdampi ang labi naming dalawa.

Nanlaki na lang ang mata ko at nanatili sa ganong posisyon sa sobrang pagkabigla. Shit! Ngayon lang ako nahalikan ng lalaki.

“Damn it! What are you doing?” sigaw niya pagkatapos ay itinulak ako.

Sa lakas ng pagkatulak niya, bumagsak ako sa sahig. Shit! Ang sakit. Naitukod ko pa ang kamay ko. Dahan-dahan naman akong tumayo. Bigla ko naman inangat ang kamay ko nang makaramdam ako ng hapdi mula roon.

Nanlamig na lang ako nang makitang duguan ang palad ko at may nakatusok na bubog doon. Hindi na ako nakagalaw hanggang sa magdilim na lang ang paningin ko.

Sampung Utos Ng Boss ( COMPLETED )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant