Chapter Twenty-nine

Start from the beginning
                                        

Nang maka-recover ako ay lumabas na ako sa gubat at dumiretso sa next class ko. Buong klase ay hindi ko pinansin si Ria at wala ni isang pumasok sa utak ko na mga lesson! Nagpaulit ulit lang sa isip ko yung mga sinabi sakin nung lalaking yun dahilan para hindi ako makapag focus.

"Alcantara!!!" sigaw sakin ni Ms. Ramos. Gulat akong napatingin sakanya at ngayon ko lang napansin na lahat ng kaklase ko ay nakatingin saakin.

Nakakahiya!!!

"M-Miss??" napatungong sabi ko nalang.

"I've calling you for sooooo many times yet you're not paying attention to me! What's wrong with you?!" halatang inis na sabi niya. Marami nang beses? What the! Ganon ba talaga ka occupied ang isip ko? Tshhh. Umayos ka nga Ivan.

"S-sorry miss..." nagsimula na ulit siyang magdiscuss at katulad kanina...

WALA TALAGA AKONG MAINTINDIHANNNN!!!!

Yasmin's Point of View
Nagising ako at unang bumungad sakin ay si Chase... bigla akong nangiti sa kaloob-looban ko. Pero bigla akong napasimangot dahil hindi ko matandaan kung anong nangyari!

"Eto, uminom ka muna ng tubig."

"Salamat." ngumiti ako sakanya saka ko kinuha yung baso at uminom. Napangiti pa ako lalo dahil hindi na masakit ang lalamunan ko at hindi na ako nauuhaw! Parang walang nangyari kasi wala na talaga akong maramdaman sa lalamunan ko.

"Uhm, ano palang nangyari?" tanong ko kay Chase. Inilapag niya muna ang baso sa center table saka siya tumingin sakin.

"Uminom ka sakin... muntik na nga ako maubusan ng dugo eh. Hahaha!"

Napatayo ako at napatakip ang dalawa kong kamay sa bibig ko habang hindi makapaniwalang nakatingin ako sakanya!

"S-seryoso?! Sorry... sorryyyy!"

"Hahahaha de joke lang." sabi niya saka niya ako pinaupo. Grabe! Kinabahan talaga ako. Huhuhu kasi naman muntik pa akong makapatay dahil sa pagkauhaw ko? That's unbelievable!!

"Tapos, nung naramdaman mo na contented ka na sa nainom mo bigla ka nalang natumba at nawalan ng malay. Good thing nasalo agad kita dahil kung hindi baka magkabukol ka pa!" natatawa niyang sabi.

"Buti nalang talaga." natatawa ring sabi ko. Tumayo ako saka ako pumunta sa kwarto... nang matapos akong magbihis ng uniform ay bumaba na ulit ako.

"Tara na!" sabi ko at kinuha ko ang bag ko.

"Teka--- san ka pupunta?" nakakunot ang noo niyang tanong sakin. Tinignan ko ang sarili ko simula paa hanggang ulo!

"Alam kong sa school... pero ang ibig kong sabihin, baka hindi mo pa kaya. Wag mo kayang pilitin."

"Eh hindi ko naman pinipilit kasi magaling na talaga ako. Tsaka tignan mo nakauniform ka na rin naman..." sabi ko at nginuso pa yung suot niya. "....sayang naman kung hindi tayo papasok."

Wala siyang nagawa kaya sabay kaming pumasok sa school. Dumiretso kami sa classroom at muntik na akong hindi makahinga dahil niyakap ako ng mga kaibigan ko!

"Huhuhu buti Yasmin buhay ka pa!!!" naiiyak na sabi ni Sandra habang nakayakap sakin.

"Na-miss ka agad namin kahit saglit ka lang nawala!" sabi naman ni Sidney.

"Maderpaker! Pinagalala mo kami, buti pumasok ka agad!" sino pa ba? Syempre si Cade.

"Sorry di kami nakapunta sa bahay niyo, badtrip kasi di kami pinayagan ng teachers!" inis na sabi ni Derick.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?" tanong ni Keira sakin na may matamis na ngiti sa labi niya. Tumango ako.

"Hihihihi... bukod sa inalagaan ka ni Chase, ano pang ginawa niyo? Yieee sige amin na! Hihihihi!" kinikilig kunwaring sabi ni Keith habang sinusundot sundot pa yung tagiliran ni Chase.

"A-ano ba, k-keith?! Nakakabadtrip ka alam mo yun?" naiilang na sabi ni Chase atsaka niya iniwas yung paningin niya.

Nagasaran pa kami at nagkwentuhan tungkol sa nangyari kaninang umaga. Nagth-thank you pa nga sila sakin dahil naudlot daw ang unit test namin sa calculus dahil wala ako! Hays.

"Buti nga wala si Sir Renz ngayon eh kaya nakakapagdaldalan yung buong klase. Pero sabi nila after neto magbobotohan na for Mr. and Ms. PLU." sabi ni Derick kaya napatango nalang ako.

"Go Cadeeee! Go Sidneyyyy!" cheer ni Sandra.

"Ehhhhwwww!" sabay na sabi ni Cade at Sidney. Lahat kami ay natawa sa inasta nilang dalawa dahil ang cute lang tignan!

"Tsss. Ayoko noh! Kahit bigyan niyo pa ako ng isang milyon para makapartner siya di pa rin ako papayag!" sigaw ni Sidney saka niya crinoss ang mga arms niya.

"Eh ang kaso... wala silang isang milyon! Tsaka sino bang nagsabing gusto rin kita maka-partner? Oh ano sapakan nalang ano?" sabi ni  Cade saka niya itinaas yung manggas ng polo niya kaya akma rin siyang susuntukin ni Sidney...

"Eto naman joke lang! Alam mo namang hinding hindi kita kayang saktan eh." nakapout na sabi ni Cade.

"Yieeeeeeeeee!!!!!!"

"Omggg i ship them na!!!"

"Look girls how sweet Cade is!"

"Huhuhu how I wish i'm Sidney!"

"Whooooo let's go Cadneyyyy!"

"Grabe!!! Kapag talaga nagkatuluyan sila, iu-uncrush ko na ang BTS!"

"Sige, i-uncrush mo na sila ngayon na hehehehe."

Ilan lang yan sa mga reacts ng mga kaklase namin. Masyadong malakas ang boses ni Cade kaya naman rinig nila! Kahit kami ay nakisabay sa pangungutya sakanila.

"A-ano ba! T-tigilan mo nga a-ako! S-sasapakin na talaga kita, s-sige!"

"Okay lang, hindi ako papalag." nakangiting sabi ni Cade.

"Nice oneeeee!!!" sigaw ni Keith.

"Hehe binata na siya!" natatawang sabi ni Chase kaya nakitawa rin si Derick.

"Ayieeeee!!!" sigaw naman namin ni Keith at Sandra.

"Ssssshhhhhhh!!!" sabi ni Sidney habang iwinawagayway ang kamay niya sa ere. "Nakakainis kayo!!!"

Nagtawanan kaming lahat dahil sobrang pula na ng pisngi ni Sidney... hindi ko alam kung dahil ba sa inis o kilig? Hehehehe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The first who break the rule Where stories live. Discover now