"Tss. Fine." pilit ang ngiti ko na sinukli sakanya bago ako tuluyang umalis.
Sobra ang pagkabog ng dibdib ko habang papasok ako sa gubat dahil iniisip ko kung okay lang ba si Yasmin. I know I've caused too much damage on her but that doesn't mean I'm not allowed to be concerned... after all I still have feelings for her. Yes, may feelings pa ako para sakanya pero hindi ko kayang masabi sakanya dahil masyadong mataas ang pride ko at isa pa nakikita ko siyang masaya ngayon so why bother ruin her happiness and life... again? Pero kung yun lang naman ang dahilan para makuha ko siya ulit, hindi na ako magdadalawang isip pa.
Si Ria ang naging girlfriend ko after ko maging girlfriend si Emily na naging girlfriend ko pagkatapos kong makipaghiwalay kay Yasmin noon. In short, pangalawa ko siyang naging girlfriend pagkatapos ni Yasmin. Hindi ko mahal at gusto si Ria, ilang beses ko nang tinuruan ang sarili kong mahalin siya pero kahit ako mismo ay tumatanggi.
Napatigil ako nang mapansin ko ang isang lalaki sa may di kalayuan... at satingin ko ay iisa lang ang pupuntahan namin. Mabagal siyang maglakad kaya binilisan ko ang paghakbang ko para maaninag kung sino siya. At hindi ako nagkakamali ng iniisip, siya 'yong kasama ni Yasmin madalas pag nakikita ko sila. Siya rin ang nakita kong dinala sa clinic. Ano bang pangalan niya? Tsss. Wala akong pakialam.
"Bakit mo ako tinitignan?" napahinto kaming pareho at nagkatitigan nang tanungin niya ako. Hindi ako agad nakasagot. Badtrip! "Gusto mo bang ulitin ko ulit?" nakangisi niyang sabi.
Umayos ka dahil pananalita mo palang ay hindi ko na gusto... masyado kang mayabang.
"Alam kong alam mo kung anong nangyari kay yasmin kaya ngayon palang sinasabi ko na sayo na bumalik ka na don dahil hindi ka niya kailangan." dagdag niya pa. Nainis nanaman ako! Hindi pa naman niya ako kilala pero kung makapagsalita siya kala mo naman magkababata kami. Psh! Baduy!
"Ha!! Patawa ka rin eh noh? Ano yun? Gusto mo ikaw lang makikinabang? Ikaw lang magaalala? Tsss. Atsaka anlakas ng loob mong sabihin na hindi niya na ako kailangan samantalang baguhan ka lang dito kaya wala kang kaalam alam kung anong meron samin at anong nararamdaman niya----!!"
"Hindi ako nagpapatawa dahil seryoso ako. Kung pupuntahan mo lang siya sa tingin ko ay baka lalo pang lumala yung nararamdaman niya. Baguhan lang ako, oo... pero sa maikling panahon na yon ilang beses ko nang nakitang umiyak si Yasmin dahil sayo." nakangisi ngunit seryosong sabi niya.
'pero sa maikling panahon na yon ilang beses ko nang nakitang umiyak si Yasmin dahil sayo.'
'pero sa maikling panahon na yon ilang beses ko nang nakitang umiyak si Yasmin dahil sayo.'
'pero sa maikling panahon na yon ilang beses ko nang nakitang umiyak si Yasmin dahil sayo.'
'pero sa maikling panahon na yon ilang beses ko nang nakitang umiyak
Hindi ako makapagsalita! Andami dami kong gustong sabihin at ibatong salita sakanya pero parang umurong bigla yung dila ko. Masyado akong naapektuhan sa mga sinabi niya dahil kalahati ng buong pagkatao ko ay sinasabing
'Tama siya...'
"Sige na, umalis ka na. Makikita mo naman siya pero wag ngayon. At sa susunod na magkita kayo sana wag mo siyang masaktan." yun lang at iniwan niya akong mukhang tangang nakanganga habang tinatanaw siya maglakad palayo.
Chapter Twenty-nine
Start from the beginning
