SHAWN'S CONCERT

7 1 1
                                    

"Ahhhhh! Ayoko naaa! " sigaw ko dahilan kung bakit napapasok sa kawarto sila Mommu't Daddy kasama si Kuya.

"Anak? Ano bang nangyayari sa'yo? Nagulat kami sa biglaang pagsigaw mo" nag-aalalang tanong sa akin ni Mommy.

At yung Kuya kong magaling? Ayan nag interrupt "Nako My, alam ko kung bakit umuungot yang si Trisha.Concert ngayon nung favorite nyang singer si Shawn Mendes ba yun? Basta yun!" sabi ni Kuya at tumingin ng masama sa akin. Duh. Old school!

"Ngayon? Nako anak bakit naman kasi di mo sinabi gawan sa amin? Edi sana nabilhan ka namin ng Mommy" sabi ni Daddy na awang awa sa akin. Awww.

"Eh pano nga po? Eh late ko na nabasa! Huhu! " iyak ko sa frustrations. Pano na? Ano ng gagawin ko? Mag mumukmok? Ahh! Ayoko na.

"Hayaan mo na anak next sabihin mo sa amin ng maaga ng saganoon ay mabilhan ka namin. Oh sya bumaba ka na. Maghahanda na ako ng agahan. " hinimas muna ni Mommy yung mukha saka umais sa kwarto ko kasama s Daddy at Kuya. At yung Kuya? Ayun inasar muna ako bago sya bumaba. Duh!

Hi ako nga pala si Trisha Diloy! At yung dahilan ng pagsigaw ko kanina? Concert kasi ngayon ni Shawn at yung Newsfeed ko eh punong puno ng updates about kay Shawn! Mga pictures ng mga facebook friends ko na nakapagpapicture kay Shawn! Ano na? Duh! Nakakaiyak kaya! Ikaw kaya maging die hard fan ni Shawn Mendes tapos Team Bahay ka pa sa concert nya mamaya? Ano na?

Wala kaso akong ticket. Nabsa ko na mag coconcert pala si Shawn dito sa Pinas eh kung kelan malapit na ang concert! Kavouge!

Seriously, diko alam kung maiiyak ba ako o matatawa? Iyak tawa?

Kaya naman sa sobrang kalungkutan ko ay nagpatugtog na lang ako ng kanta ni Shawn na 'Treat You Better'.

"Hay nako Shawn, ano bang ginawa mo sa akin at gento ako kapatay sa'yo!  Hmp! Pa-touch nga ako ng abs mo! " sabi ko ng napadaan ako sa poster nya dito sa kwarto ko.

"Wag mo akong ngiti-ngitian dyan Shawn! Kung hindi ka lang gwapo nako! " para akong baliw kaka-kaisap sa poster nya. Ano na Trisha?

Npasabay naman ako sa chrorus ng kanta "Coz I know that I can treat you better than he can, and a girl like you deserves a gentleman! Tell me why are we wasting time, why are you wasting time if you can be with me instead? " halks mag-concert na ako ng sarili ko sa lakas ng boses ko! Tsk. Oo na pangit boses ko eh duh bebe Shawn ko kaya yung kumakanta hay nako!

Bigla naman nag beep yung phone ko senyales na may nagtext. Sino kaya? Kinuha ko agad yung phone ko na nasa may side table para tignan kung sino nag text? Nakita kong so Dennielle iyon. Ano meron?

Inopen ko yung text nya sa akin.

Dennielle:

Hoy bes! Sama ka ba sa akin mamamaya? Pupunta kami ni Mae kasama si Lorace sa Ayala Malls. Bonding lang. Sama ka hah?

Nataon pa talaga sa comcert ni Shawn hah? Nagtipa agad ako ng mensahe.

To Dennielle:

Sige! Ang dami ko ring ike-kwento sa inyo! Anong oras ba?  "And send! "

Pero namomoblema pa din talaga ako sa concert ni Shawn kasi gustong gusto ko talagang pumunta. Kaya lang, pano? Siguro maghahanap na lang ako ng livestream sa facebook mamamaya?

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Mar 19, 2017 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Shawn's ConcertOnde histórias criam vida. Descubra agora