"Slow as ever! Gaga, girl bonding tayo." sagot niya naman.

"Gaga ka rin, hahaha. Girl bonding talaga? Eh saan nga?" usisa ko naman. Ewan ko dito kay Miks, bigla nalang pupunta dito at mag-aaya lumakad. Buti na lang at nakadamit pa ako ng maayos.

"Mag ba-bar tayo!"

**

Mabilis kaming nakarating sa condo ni Chelsea. Actually, nag taxi lang kami ni Miks dahil sabi daw ni Chels siya ang magdadala ng kotse.

"MIKS~! HOPE~!" tawag saamin ni Chelsea ng makita kami. Lumapit siya agad saamin at sinalubong ako ng yakap. "Oh my God, Hope. Na-miss kita ng sobra."

Biglang nag fake ng ubo si Miks. "WOW! Ako tong nawala ng two months tapos ako tong di namiss. Katampo lang." pag-eemote niya.

"Hahaha, tampo-tampo ka pa jan bruha. Halikan kita eh! Hahaha." sabi ni Chelsea at niyakap siya.

Matapos ng batian. Pumasok na kami sa kotse ni Chels. Siya at si Miks ang nasa unahan at ako sa likod. Alangan naman magsiksikan kaming tatlo sa unahan?

"Siya nga pala, Chels. Sinong boylet mo ngayon?" tanong ko.

Tumawa lang siya. "Wala. Trabaho muna!"

"Weh?" singit ni Miks. "If I know bitter ka pa rin kay Bryle."

Nakalimutan kong sabihin. After ng break-up nila noong highschool pa kami. Nagkabalikan ulit sila ni Bryle noong second year college na kami pero naghiwalay din noong fourth year college na kami. Sayang, two years din yun!

"Hahaha, utot niya. Matagal na akong move-on sa gagong yun." sagot naman niya.

Nangibabaw ang katahimikan. Haha, ang awkward kahit mga BBFs kami.

"Teka, amboring! Music tayo." pambasag ko ng katahimikan.

In-on naman ni Chels ang MP3 sa kotse niya at kung sinuswerte ka nga naman sa matataymingan mong kanta.

Fifteen-Taylor Swift: ~Cause when you're fifteen, somebody tells 'ya they love you, you gonna believe them.~

Bull eyes kami ni Chels sa kanta. O siguro ako lang?

~And when you're fifteen, feeling like there's nothing to figure out.~

"Ano ba yan! Ang bitter ni Taylor Swift." sigaw ni Miks. Sa ngayon, siya lang ang may kakayahang magsalita.

Pinalitan niya ang kanta.

"Hoy, hindi ako bitter ah!" pahabol ni Chelsea. Alam namin kami ang pinatatamaan ni Miks.

22-Taylor Swift: ~I don't know about you, but I'm feeling 22!~

Nakakainis talaga. Bat ba lahat ng kanta parang saakin pinapatama?

~Everything will be alright if you keep me next to you.~

Hindi ko na napigilan. Pumatak na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Biglang pinahinto ni Chelsea ang sasakyan at agad na pumunta sa likod para i-comfort ako.

"Tama na Hope..." pagpapatahan nila saakin.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Oo, bitter pa rin ako sa break up namin ni Enzo. Dahil para saakin, hindi lang basta-bastang break up yun, isa yung major-major break up! Wanna know what happened?

*FLASHBACKS*

Noong graduation namin sa highschool. Sinabi saakin ni Enzo na gusto niya daw ako. Tinanong niya ako kung pwede daw ba niya ako ligawan. At ako naman itong si bobo, pumayag. Syempre, mahal ko siya eh. After two weeks sinagot ko na siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 Steps to Mico's HeartWhere stories live. Discover now