Maghanda handa lang ‘yang Veronica na ‘yan sakin. Tss. Hinding hindi mapupunta sakanya si Xander.

Dapat alam niyang, I’m back.

VERONICA’S POV

Naglalakad kami ngayon ni Asha papunta sa room namin. Magka-shedule kasi kami.

"Uhh. Asha, mabait ba yung Natasha?"-tanong ko.

Wala lang. Natanong ko lang. Masama? Kasi naman eh. Yung ugali, kairita. Tsaka. Medyo nakaka-curious eh. Tss.

"Kung ako ang tatanungin mo, Hmm. Yup. Mabait siya. Pero minsan, mataray talaga siya at laging irita sa mundo. Ang alam ko kasi, ayaw siyang balikan ng boyfriend niya."-asha.

"Ahh. Eh, sino ba yung boyfriend niya?"-tanong ko.

"You know Black Cobra Gang?"-asha.

Tumango naman ako. Ano namang kinalaman ng BCG dito? -___-

"Actually, hindi alam ng media 'to. Narinig ko lang 'to nung break namin sa taping at may kausap siya. Alexander Navarro from BCG, yun daw ang boyfriend niya."-asha

Nanlaki ang mga mata ko at halos malaglag na ang panga ko. S-si Alexander? Hindi kaya...?

Lalo pang lumaki ang mata ko. Hindi kaya si Natasha na yun yung tinutukoy nina Princess?

Sumimangot akong bigla. Nasa paligid ko lang pala ang kalaban ko sa unggoy na 'yun. Hindi pwede 'to!

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"-asha.

"A-ah? H-hehe. Wala naman! ^___^"-sabi ko at nagsmile pa sakanya.

Pumasok na kami sa classroom namin.

"Ms.Xia and Ms.Cer--- I mean Hernandez! B-bakit lake kayo, ha?"

Napabuntong hininga nalang ako sa teacher namin. Siya pa ata ang magpapahamak sakin eh.

"Sorry po."-sabi ko.

"Okay. Pagbibigyan ko kayo tutal naman eh special and high official students kayo dito. But next time, ayoko ng late sa klase ko."-sabi ni maam.

Nanlaki muli ang mga mata ko. Special and high official student? Paano?!

“A-ano po yun maam? Special ang high official student po ako?”-tanong ko.

“Yes. Why? Hindi mo pa ba alam?”-maam

“Pero.. paano po?”-ako

“Hindi ko alam. Basta utos ito mula sa main. Pero kahit may high treatment kayo dito, bawal pa rin ang nale-late, ha? Sige na, umupo na kayo.”

Umupo na si Asha pero nanatili akong nakatayo at nag-iisip.

“Ms.Hernandez. Umupo ka na. We’ll start.”

Hindi ko lang pinansin si maaam. Nakakapagtaka naman. Akala ko nagpapanggap akong ibang tao? Pero paano naman ako naging Special and high official?

Nanlaki ulit ang mata ko. Siguro……

SI ALEXANDER KAYA ANG MAY GAWA?!

Parang hindi eh? Bakit naman niya gagawin yun? -_____- Aish. Isip mo Veronica!

Black AngelΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα