Chapter 9: The Black Cobra Gang.

4.8K 109 2
                                    

NOTE: THIS CHAPTER IS EDITED.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Chapter 9: The Black Cobra Gang.

VERONICA'S POV

"Sino daw yung nasaksak?"-princess

"Nakaengkwentro yun ni Mr.Navarro kanina. Sinapak niya ang kuya mo, gumanti naman ng saksak ang kuya mo. Please Ms.Navarro, talk to your brother! Alam mong hindi namin sila kayang mapaalis sa school na 'to. So please, gumawa kaya ng paraan."

Hindi ba nila alam na baka mamatay yung tao?! At tsaka, Hindi kayang mapaalis?

"Anong hindi kayang mapaalis?"-tanong ko.

"A-ah? W-wala! Lau, pwede bang mauna ka na? May aasikasuhin lang kami eh. Private. So...."

"Yeah. Of course. Hindi na ako makikisali pa diyan. Again, nice meeting you all. Bye."-sabi ko.

"See you tomorrow nalang."-desiree

Pagkasabi niya nun, tumakbo na agad sila. Tss. Hindi niyo ma-explain sakin ang nangyayari? Akala niyo hindi ko malalaman? Sorry nalang kayo.

Umalis na rin ako sa school. Nakita ko naman yung sasakyan at tsaka sumakay na ako.

Ibig sabihin kahit ano pa mang gawin ng BCG na yan sa school namin o sa kahit sinong tao, hind sila maeexpell?! Bakit?! Tss. Kung umuubra kina lolo, hindi uubra sakin yang mga yan.

*Cervantes Mansion*

Nadatnan ko naman si lolo na nasa sofa at nagbabasa ng dyaryo.

"Hi po lolo."

Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Kamusta?"-tanong ni lolo

"Okay naman po. And, I have new friends."-ako

"Sino-sino ang mga yan?"-lolo

"Sino pa po ba? Yung kamag-anak nung BCG na yun."-sabi ko.

"Good job, Veronica! I'm sure, nasabi na ni Mr.Cruz ang plan sa'yo, diba?"-lolo

Tumango lang ako. "Ay. Lolo, hmmm. Pwede po bang mag-tanong?"

"Yea, sure. Ano yun?"

"Bakit hindi pwedeng mapatalsik ang punyetang BCG na 'yan sa school?"-ako

Umayos naman si lolo at sumeryoso."Blackmail."-maikling sabi ni lolo.

"Blackmail? What do you mean, lo?"

"Their families, blackmailed me."

"Ano namang dahilan?"

"Umakyat ka na sa taas at magpahinga. Kung may kailangan ka, bumaba ka lang."-lolo

Nanatili ako sa pwesto ko. Iniba ni lolo ang topic at hindi man lang sinagot ang tanong ko. May tinatago ba siya? O ayaw lang talaga niyang sabihin saakin?

They're pathetic if that's the case. Why don't they just transfer to another school and doon manggulo? Tsk.

Bakit kailangang guluhin nila and WDU? At ang lolo ko?

"Sige po, aakyat na po ako."-sabi ko.

Kung ano man yun, hindi ko na pipilitin si lolo na sabihin sakin. Alam kong malalaman ko din yun.

Naalala ko pa, napakahigpit ng laban namin ng gang na yan. Lalong lalo na kami ni King. But in the end? They lose. Tss. Losers.

Tinagurian siyang King of the gangsters, pero pagdating saakin, Wala silang laban.

Black AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon