Ang Alamat ng Harada Butai

950 61 53
                                        

     Ni: Neljane May S. Villa

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapones,sila ay napadpad sa iba't ibang panig ng bansa.Upang sakupin ang Pilipinas dahil sa taglay nitong yaman at kagandahan. Kaya naman dahil sa kanilang paglalakbay ay nakatagpo sila ng isang natatanging lugar . Ang lugar na ito'y may kakaibang ganda, kung kaya't mas pinili nilang manirahan dito.

Gumawa ang mga dayuhang hapones ng isang kweba para doon sila magtago, upang hindi madaling makita ng mga kalaban kung mayroon man.Malupit ang mga hapones noon, pinapatay nila ang mga mamamayang pilipino kapag hindi  ito susunod sa gusto nila o sa kanilang mga utos.

Ayon sa mga kanunununuan ng lugar na ito ay pinamunuan ito ng isang matandang heneral na si Heneral Gawai-Gawai, siya ang namuno sa mga dayuhang hapones. Siya ay gumawa ng isang balon na ginto at napapalibutan ito ng maraming puno ng niyog. Araw-araw siyang pumupunta rito upang maligo at maglaba hanggang sa isang umaga ay nahulugan siya ng isang butai ng niyog na naging sanhi ng kanyang pagkapilay, ikinagalit niya iyon kaya't ipinag-utos niyang ipasunog lahat ng butai na makikita  , simula sa araw na iyon tinawag ni General Gawai-Gawai ang lugar na iyon na Butai .

Maraming taon ang lumipas ng biglang dumating ang mga amerikano upang  sakupin ang pilipinas, at paalisin ang mga hapones  sa pamamagitan ng dahas. Dahil dito'y naalarma ang mga hapones kaya't iniwan nila ang kanilang mga kayaman , naghukay sila at inilibing ang mga ginto ngunit ito'y nakalibing na may kasamang aliping pilipino upang bantayan ang kanilang kayaman.

Malakas ang pwersa ng mga amerikano  kaya't natalo ang mga hapones , hanggang sila'y nagsiuwian sa kanilang bansa. Matapos ang digmaan sa pagitan ng amerikano at hapones ay naging matiwasay at tahimik silang nagsimula ng panibagong bukas. Lalong lalo na ang  mga mamamayan ng Butai  na ngayo'y kasalukuyang tinawag na Harada Butai.

Mga Alamat ng Davao RegionStories to obsess over. Discover now