Chapter 26: Unexpected

Start from the beginning
                                    

Kyaaaaaaah! What did you do Trey? Paano mo nagawa at nasabi ang lahat ng 'yon?

Waaaaaaah! You're dead!

***

"S-Summer..." Nauutal kong wika habang nakasandal sa pader ng kanyang office. Kinulong ako ng isang halimaw na sobrang nakakatakot dahil sa titig at sa suot na ngisi nito.

Matagal akong nanatili sa likod ng restaurant. If Summer didn't saw me there, malamang nandoon pa rin ako at hanggang ngayon di pa rin mapakaniwala sa nagawa at nangyari.

When he saw me, he immediately grabbed my hand and dragged me in his office. May mga tumatawag sa kanyang mga staff pero di niya ito pinansin. Ini-lock niya ng mabuti ang pinto at pagkatapos ay isinandal niya ako sa likod nito.

Nasa side ng mukha ko ang isang kamay niya at ang isa ay sa bewang ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya rito at magkadikit pa ang mga katawan namin. Alam kong hindi ako makakawala. Di ko rin kaya ang magpumiglas dahil na rin sa matinding kaba.

Ako ang may dahilan nito, kaya marapat lang na ako ang magsa-suffer ng consequences sa mga actions ko. Pero malaking bahagi ng pagkatao ko ay gustong-gusto ang ginagawa ni Summer. Alam ko rin na magiging ganito ang kahihinatnan nito.

"Masaya ka na? Tinakasan mo ako pagkatapos mo akong sagutin. Ninakawan mo pa ako ng halik sa labi. Inunahan mo ako, Trey Hernandez. Maling-maling ang ginawa mo Misis ko. Hindi ko alam kung paano kita mapapatawad." Nakangisi at nakakaloko niyang banta.

Halos mawalan na ako ng hangin sa katawan. Napakalapit pa ng kanyang mukha. I can clearly see his angelic face. Pero malayo ito sa nakikita ko ngayon. Isang demonyo dahil sa mga ekpresyon ng kanyang mukha. Looks like he wants to eat me. Para akong isang prey na sabik na sabik ng kainin ng kanyang predator.

"Hindi mo alam kung paano kita hinanap. Naistorbo ko pa lahat ng customers at mga staffs natin sa kakahanap sayo. Muntik na akong pumunta ng bahay niyo dahil hindi kita mahanap dito. Mabuti na lang naisip ko na nandun ka sa likod ng restauramt. Iniwan mo ako sa ere Misis ko. Dapat kang patawan ng isang matinding parusa, alam mo ba 'yun." Napailing pa siya.

Muli siyang ngumisi kasabay ang pagtitig sa mga labi ko. He's biting his lips while staring at my lips. Kyaaaah! He's teasing me! My ghad. Gusto kong kagatin ang labi niya.

Hindi ako gumagalaw at pigil din ang hininga. Ilang sentimetro na lang ang pagitan sa mukha namin. One wrong move, at muli ko na namang mararanasan ang ginawa ko kanina.

"Akin ka na Misis ko. Lahat ng pwedeng gawin ko sayo ay magagawa ko na. Wala ng makakapigil sa 'kin kahit ikaw. Karapatan ko ng angkinin ang lahat ng sayo lalong-lalo na 'tong labi mo."

Wala na akong nagawa kundi ipikit ang mga mata ko nang ilapat ni Summer ang kayang labi sa labi ko.

Naging blanko ang paligid ko. Ang tanging alam ko lang ay ang nararamdaman ko sa paglapat ng mga labi namin ni Summer.

Echanting!

I don't know if thats the right word to describe what I'm feeling right now.

This kiss was different from the kiss I initiated. Mas ramdam ko ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal. Ramdam na ramdam ko kung gaano ibinuhos ni Summer ang lahat ng pagmamahal niya sa 'kin sa pamamagitan ng halik na ito.

He started to move his lips and I'm just following him. Hindi ako marunong nito pero para na akong bihasa dahil kay Summer.

Hindi ko iniexpect na mangyayari ang lahat ng 'to. Hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon ko sasagutin si Summer. It wasn't my expectation. Pero sinong mag-aakala. A beautiful moment happens in an unexpected situation. At masasabi kong isang magandang pangyayari ang nangyari ngayong araw. Hindi ko inaasahan na matutupad na ang matagal ko ng pangarap. Ang maging akin si Summer.

Hindi ko na hahayaan na magiging dominante pa ang mga pangamba at takot ko. I will heartedly take the risk and I will accept all the consequences.

Siya na rin ang pumutol sa halikan namin. Pareho naming hinabol ang hininga dahil sa kakapusan ng hangin. Naramdaman ko pa sa kanyang labi ang pagngiti niya bago tuluyang inilayo ang kanyang mukha.

Naghuhurumentado pa rin ang puso ko pero nangingibabaw pa rin ang sobrang saya. Ang saya-saya ko na nangyayari ang lahat ng 'to.

Pero kyaaaaaaah! Dalawang beses na kaming nagkiss ni Summer.

Nakakahiya dahil sinira ko ang first kiss naming dalawa. Promise, hindi ako aware sa ginawa ko kanina. Na-carried away lang ako. Huhuhu. Pero hindi naman na importante 'yon diba?

Pero waaaaaah! Nagkiss na kami ni Summer. I think I'm gonna die. Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya. Huhu.

Pero ang serep ng labi niya. My gad.

"Hanggat kaya ko dati, nagpipigil ako. Matagal ko ng pinipigilan ang hindi ka mahalikan dahil hindi ka pa akin. Pero ngayong pagmamay-ari na kita, hindi ko alam kong makakaya ko pang kontrolin ang sarili ko na mahalikan 'yang labi mo. Tangna! Ang lambot at sarap ng labi mo Misis ko. Argh!"

Once is enough. Twice is too much. Trice? Uhm... I-I don't know.

Ito na, ito na ang kinatatakutan ko na maging nobyo ni Summer. Hindi ko alam ang maaring gawin niya sa akin. Noong nililigawan pa lang niya ako, sobra-sobra na ang ginagawa niya. Ano na lang ngayon na pagmamay-ari niya na ako, diba?

Natatakot ako pero gustong-gusto ko ang ginagawa niya o gagawin pa lang.

"Prepare yourself my wife. Expect crazy things that your husband will do to you. Pero sinisigurado ko na magugustuhan mo lahat ng gagawin ko sayo. Namarkahan ko na 'yang labi mo..."

'Yong ngisi niya sa labi ay umabot na sa kanyang mga mata. Nadagdagan ang takot ko dahil dito. Sobra siyang nakakatakot. Nakakatakot din pala ang ganyang mukha. Obviously.

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Napasinghap ako ng dumampi ang hangin mula sa kanyang ilong sa balat ko. It sends shivers down my spine.

"... Sa susunod ibang bahagi naman ng katawan mo ang mamarkahan ko." Dagdag pa niya at bago ako iniwan sa ere tulad ng ginawa ko kanina ay tinitigan niya ako kasabay ang pagkagat niya ng ibabang labi niya kasabay ang isang nakakamatay na kindat.

Can someone inform my parents and my brother na baka nasa hospital na ako mamaya or worst nasa morgue na. At isa lang ang pwedeng maging suspect sa mangyayari sa 'kin, ang asawa ko.

Pero ano 'yong huling sinabi niya? Ngayon lang nagprocess sa utak ko ito.

Huwag na pa lang ipaalam sa parents ko dahil may mauunang mamatay ngayon.

"SUMMMMMMMMMER!"

"I love you Misis ko. Hahaha." Sabi pa niya bago siya tuluyang lumabas sa pinto.

***

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Where stories live. Discover now