Chapter 26: Unexpected

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko man masukat ito pero alam kong sapat na ang pagmamahal niya para magtake ako ng risk. Buo na ang loob ko para harapin ang lahat ng posibleng mangyari. Buo na ang isip akong huwag isipin ang mga pangamba at takot. Buo na ang loob ko na maging Misis ng asawa ko.

"Misis ko, pwedeng payakap ako?"

Ngumiti ako bilang tugon. Ngumiti din siya at mabilis na niyakap ako.

"Mahal na mahal talaga kita Misis ko. Hindi ko alam ang gagawin kapag may nang-agaw sayo."

"Ako rin Mister ko, hindi ko kakayanin kapag may umagaw sayong iba." Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap niya sa akin dahil sa sinabi ko.

"I love you Misis ko."

Kailangan ko bang sagutin?

I love him so sasagot ako. Hindi na ako magpaabebe para hindi sumagot dahil sa totoo naman eh mahal na mahal ko siya.

"I-I love you too, Mister ko."

Its hard. Kung alam niyo lang kung gaano bumiilis ang pagtibok ng puso ko. I'm not used to it. Mahal ko siya pero nahihirapan akong bigkasin ang tatlong salitang 'yan. Iba pala kapag aktwal na.

Mas lumapad ang kanyang ngiti nang humiwalay siya sa akin. Nanatili ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang side ng bewang ko. Ganoon pa rin ang kislap at saya ng kanyang mga mata.

"Nagseselos ka na Misis ko, tinatawag mo na akong Mister ko at sinabi mo na ring mahal mo ako. Pero kahit hindi mo man sabihin ramdam na ramdam ko kung gaano ka kapatay na patay sa 'kin."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa huling sinabi niya. Ginalingan niya ang pagsira sa mood. 'Yon na eh, maganda na ang moment. Kainis talaga ang lalaking 'to.

"Ibig sabihin nun Misis ko... So... Tayo na ba?" Mabilis na sumeryoso ang kanyang mukha. Papatayin na talaga niya ako sa sobrang kaba.

Hindi agad ako nakapagsalita.

Oo! Gustong-gusto ko na maging kami pero hindi nakikisama itong bibig  ko. Bakit ayaw lumabas ng mga salitang gustong sabihin ng isip at puso ko.

Nakatitig lang ako sa kanya. Hinihintay ang sarili na magsalita. "Oo" lang naman ang isasagot ko, sobra na talaga ako sa pagiging eksaherada.

"Misis ko? T-Tayo na ba? Sasagutin mo na ba ako ngayon?" Kumikislap ang kanyang mga mata. Parang butuin na nagniningning sa maitim na kalawakan.

Nakatingin lang talaga ako sa kanya. My Ghad ka Trey. Sumagot ka na! Pabebe ka pa eh.

Nag-iexpect ako na romantic sana 'yong pagsagot ko sa kanya. Pero importante pa ba 'yon? Kahit hindi, ang mahalaga'y mahal na mahal mo ang taong sasagutin mo at alam mo mahal na mahal ka rin niya. And that makes it special.

Gusto ko lang ulitin. Sasagutin ko na ang Mister ko.

"Magiging tunay na Misis na ba kita?" Sasagot na talaga ako. Promise.

Tumango ako bilang tugon bago nagsalita,  "I-I love you, M-Mister ko."

Napakunot ang kanyang noo. Mukhang 'di siya sigurado na sinasagot ko na talaga siya. Waaah! Mamatay na talaga ako sa matinding kaba.

"Misis ko? Hi---"

Dahil sa inis sa pagiging slow niya, I cupped his cheeks and give him a kiss.

"Yes, Mister ko. I'm already you're wife now."

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa bewang ko at nagmamadaling lumabas ng kanyang office. I left him with a shock on his face.

Pumunta agad ako sa likuran ng restaurant at napasandig sa pader sabay hawak ng isang kamay sa dibdib at ang isa naman ay sa mga labi ko.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon