Sakit balikan,paulit ulit bumabalik yung mga ala-ala ng panahon,panahon kung kailan tayo pa yung magkasama tayo yung nagkukulitan.Yung panahon na ako yung sinusurpresa mo. Yung panahon na ako yung una mong babatiin ng "good morning kain ka na baka kasi pumayat ka wala na akong mahuhug".
Yung oras na lalambingin mo ako pag nagtatampo bibili ka ng ice cream para lang magbati tayo. Yung time na okay lang maubos pera mo maging masaya lang ako. Mag sosorry ka kahit wala ka namang kasalanan ihuhug mo ako pagnakita mo ako kahit sa harap pa nang maraming tao. Hatid sundo mo pa ako noon alas singko pa lang nakaabang kana sa pintuan kahit puyat ka pa hindi ka na mag aalmusal para masundo mo ako. Hanggang ngayon tanda ko pa nung nalalag ka mula sa itaas ng punong mangga halos mangiyak ako sa kakatawa hindi dahil sa nalaglag ka kundi dahil sa pabalik balik kana pero wala ka pa ring nakukuha kahit isa. Miss ko na yung pisngi mo na palagi kung kinukurut nanggigigil kasi ako sayo lalo na pag ngumingiti ka.
Pero lahat yun nawala dahil sa kasama mo ngayon,dahil sakanya nahati na yung oras mo sakin parang basura na nga lang ako para sayo.
Dumating yung oras na nagkaproblema ako at tanging ikaw lang yung malalapitan ko tinext kita " oy jacob pwede ba kitang makausap?" Naghintay ako tatlumpung minuto na yung nakalipas pero wala parin yung text mo hanggang sa nag ring na yung phone ko "sorry mae may date kasi ako ngayon pwede sa ibang araw na lang?" hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga oras nayun.
Dumating yung oras na nagkahiwalay kayo at nandito ka ngayon sa tabi ko umiiyak basa na nga yung uniform ko dahil sayo pero okay lang bestfriend kita kaya okay lang kahit sinisigaw ng puso ko na hindi.
"Mae bat ganun ginawa ko naman lahat" garagal na sabi mo "Jacob marami namang iba diyan yung kaya kang mahalin ng mas totoo yung hindi ka iiwan" jacob ako yun gusto kong isigaw yun sayo kaso hindi pwede dahil hindi mo ako magugustuhan. "Sana nga tama ka mae mabuti pa siguro na hintayin ko yung tamang babae para sakin" tugon mo habang pinupunasan yung luha mo " tigil na sa pag iyak pumapangit ka"
"Mas pangit ka mae haha" bulong mo sakin sabay kurot sa pisngi ko "namiss kita jacob"
Ngunit dumating yung araw na kailangan mo nang mag paalam. Aalis kana pero di na babalik kahit kailan di ko man lang nasulit ang mga panahong mag kasama tayo.
Ito ka ngayon nakahiga hinang hina wala akong magawa upang mawala ang yung nararamdaman gusto kong bawasan kahit kunti yung sakit na nararamdaman mo.
"Jacob matagal kung itinago to sayo....mahal kita jacob mahal na mahal" pagbasag ko ng katahimikan "mae....alagaan mo yung sarili mo...w-wag kang ma-magpapawis...babantayan kita mae." Nanghihina mong sabi habang hawak mo ang aking kamay "jacob sabi mo sakin walang iwanan... Di mo ako iiwan jacob hindi" tanging ngiti lang ang iyong isinagot.
"Jacob" tanging pangalan mo lang ang lumabas sa aking bibig ramdam ko ang iyong haplos. Hindi ko namalayan ang mga luhang tuloy tuloy na dumadaloy sa aking pisngi.
Dahan dahan kong ipinikit ang aking mata upang pakalmahin ang aking sarili tanging sarili ko na lang ang aking sandalan tanging ako na lang mag papakalma sa sarili ko magisa na lang akong papasok magisang gagawa ng takdang aralin lahat gagawin ko na lang ng magisa WALA KA NA KASI.
*************
Guys sorry ang pangit ng gawa ko hahaha first timer sana mag karoon ng vote kahit kaunti lang sa mga boboto thank you po.
YOU ARE READING
WALA KANA KASI
Short StoryDi lahat ng bagay permanente. Kaya habang nandyan pa siya sulitin mo na sulitin mo yung pagakakataon na kasama mo siya para sa huli hindi ka magsisi.
