Ang hirap pala noh? yung ma-inlove ka sa Kinakapatid mo.
Ang masakit pa hindi mo magawang sabihin sa kanya kasi nahihiya ka.
Yung turing nya sayo isang nakababatang kapatid lang.
At higit sa lahat...
Hindi mo masabi sa kanya dahil..may nagpapasaya na sa kanya.
He's older than me, I'm Only 16 years old and he's 21. I'm Sabrina Buenaventura and he is Rainier Dantes. Hindi maipagkakailang gwapo ito at ano pang aasahan mo sa gwapo, syempre habulin ng mga babae.
Close na close kami kung tutuusin. Lagi kaming magkasundo kapag nagja-jamming kami. Yea, hindi naman sa pagmamayabang, pero parehas kasi kaming biniyayaan ng magandang boses, and we love to sing Korean Songs.
"Ano na? kailan tayo magco-cover?" tanong ko ng makita ko ito.
"Saka na, marami pa kasi kaming inaasikaso eh" paliwanag naman nito.
"Ahh, s-sige okay lang" nginitian ko sya. Pumasok ulit ako sa bahay.
Ico-cover kasi namin yung Beautiful by Crush. Pinakabisado ko sa kanya yung chords non at duet kami sa pagkanta.
Nagandahan kasi ako sa tono lalo na nung kinover ito ni Jungkook.
Ang hirap itago, ang hirap maglihim. Sa tuwing magkikita kami sa daan, ngingiti sya. Syempre kinikilig naman ako.
Kaso nga lang sa tuwing magkikita kami, magkasama sila ni Cainne, Cainne Rivera. Ang special someone nya...
---
"Sino na naman yang iniisip mo? Tsk tsk, wag mong sabihing si Dean na naman yan?" tanong sa akin ni Xiesla, my bestfriend.
"Tss, kinalimutan ko na yon!" si Dean, sya yung nanligaw sakin, niloko nya lang naman ako eh. Nililigawan nya ako, tapos may nililigawan pa syang iba. Hayy, minsan na nga lang magmahal nasaktan pa.
Kaya hangga't maaari gusto ko nang itigil tong nararamdaman ko para kay Rainier. Dahil sa huli, alam kong ako lang ang masasaktan. Kaso, paano ko ititigil? Sa tuwing titingin sya sakin parang laging may ibig sabihin? O sadyang assumera lang ako?
Ilang araw na rin ang lumipas ng magkita kami ni Rainier. Halos hindi ko sya makita kasi lagi syang busy.
*Flashback*
I'm sitting here in front of him. Tinawag nya ako para kausapin. Hindi ko alam kung para saan pero sumama na rin ako.
YOU ARE READING
Syncing Rhymes
Short StoryI just need to accept the fact that...We're just a syncing rhymes but never be a meant to be - Sabrina Buenaventura This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagin...
