"Wow. May ganoon pala? So pwede ko palang i-adjust iyong sa akin? Gusto kasi around Manila lang para malapit. At saka para in the future, pwede ko silang ma-meet agad-agad,” sabi ko.

Nakaka-excite nga pala talaga 'to.

"Oo naman,” nakangiting sabi niya. "So ayan, nagawan na kita ng account mo ha. Ikaw na ang bahalang mag-tap ng heart sa mga gusto mong profiles. Automatic naman na nag-aapear ng sunud-sunod ang mga profiles."

Iniabot niya sa akin ang cellphone ko. Nakakatuwa pala ang Tinder. May twist siya. So we need to heart each other muna bago kami magka-chat. Parang sa tunay na buhay, kailangan you like each other muna, kailangan the feeling is mutual muna. Ang cool!

"Mag-tap ka lang diyan ng heart. Kahit ilan para marami kang maka-chat. Hindi mo rin kasi masasabi kung magha-heart back iyong iba e,” aniya. "Pero don't worry, I'm sure, magha-heart back sila dahil iyong pinakamaganda mong selfie ang nilagay kong profile photo mo,” humagikhik siya.

Natawa nalang ako. "Thanks, Nicole. Tinutulungan mo talaga akong maka-move on."

"Syempre naman. Saka ayoko na ring makitang natutulala ka e. Baka mamaya magulat nalang ako, nasa mental ka na,” biro niya.

"Ikaw talaga."

"O siya, mag-start ka na diyan sa Tinder. Remember nga pala na kahit nagka-match na kayo, tapos nagka-chat na kayo at hindi mo na siya feel kausap, pwede mo siyang i-unmatch para mawalan na siya ng access na i-chat ka."

Nakaka-amaze. So parang may may privilege something like that.

"Got it!" sabi ko saka nag-okay sign.

"So, magba-browse na muna ako ng internet. You can do it na,” sabi niya.

Tumango ako. Tumingin ako sa screen ng cellphone ko. Nasa home ako kaya may profile na rito.

He's handsome. May nakalagay sa baba ng picture niya na Neil, 20. I tapped the heart sa baba ng profile niya. Then, may nag-appear na panibago. It's not a picture of a person. Parang flowers lang so I tapped the "X" button. Mas magandang makita ko iyong may mukha siyempre.

Tap lang ako ng tap. Heart, "X", heart... papalit-palit. Wala pang nagha-heart back so wala pa akong makachat.

Sakto namang dumating na ang professor namin kaya itinago ko muna sa bag ko ang cellphone ko. Gumaan ang pakiramdam ko. Ngayon ko lang ito naramdaman ulit. I feel so alive. Para kasing puno ng excitement ang nararamdaman ko. Hindi naman ito ang first time kong makipag-chat pero kakaiba ang feeling pala kapag ganitong galing ka sa heartbreak.

Nagsimula na ang klase. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kung may magha-heart back kaya sa akin. Itinuon ko muna ang atensyon ko sa klase.

-

VACANT namin ngayon at ang una kong ginawa ay tiningnan ko ang cellphone ko. May mga notifications ako from Tinder. Nakaramdam na naman ako ng excitement.

I looked at it. May mga nag-heart back na sa akin at ngayo'y may access na kami na mag-chat sa isa't isa.

Gian: Hi!

Para akong batang na-excite. Kakaiba ang feels. Makikipagchat talaga ako. Well, wala naman talagang masama dahil single ako. I can do everything.

Nagtype ako ng reply. Kahit nakakaramdam man ako ng kaba.

Me: Hello!

I bit my lower lip while waiting for his reply. May ilan pang nag-chat sa akin at lahat iyon ay sinubukan kong i-chat ng hello bilang sagot sa mga greetings nila.

One Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon