Chapter 2

11.1K 1.4K 595
                                    

Chapter 2

TULAD ng sinabi ni Nicole, nag-install ko ng Tinder kagabi nang makauwi ako sa bahay. Mag-i-install pa sana ako ng iba pang chat applications pero naisip kong mas maganda kung isa muna ang subukan ko.

Nakaupo ako sa upuan ko habang hinihintay si Nicole. Magpapaturo kasi ako sa kaniya kung paano gamitin ang Tinder. Though may instructions naman roon kapag bagong install lang, mas gusto ko pa ring magpaturo kay Nicole dahil sanay na siyang gamitin iyon.

"Besty! Ang aga mo namang pumasok!" sigaw ni Nicole nang makapasok sa room.

Inilagay niya agad ang bag niya sa upuan sa tabi ko. Nginitian ko lamang siya.

Umupo siya saka tumingin sa akin. "Nagawa mo ba iyong sinabi ko? Hay naku, na-e-excite ako! Naiisip nga kita kagabi habang nakikipag-chat na naman ako. Super enjoy kasi kaya I'm sure, mag-e-enjoy ka!"

"Oo na. Nag-install na ako kagabi. Kaya turuan mo na ako habang wala pang class,” sabi ko. Maaga pa naman, at madalas late nagsisimula ang first class namin.

"Sure! Wait,” aniya saka binuksan ang bag niya. Dinukot niya ang pocket wifi niya at binuksan iyon. "Syempre kailangan muna natin ng internet connection."

Inilabas ko ang cellphone ko. Automatic na akong nakaka-connect sa wifi niya dahil minsan ay dinadala talaga niya iyong pocket wifi niya dito sa school lalo na kapag may mga events and programs.

"Naka-connect na ako,” sabi ko.

"Then now, open your Tinder application,” sabi niya.

Pinindot ko ang icon ng Tinder. Nagbukas iyon.

"Give me your phone. Ituturo ko sa iyo in a basic way lang. Madalian lang 'to. It’s easy as pie lang naman."

Iniharap niya sa akin ang cellphone ko para makita ko ang screen habang itinuturo niya ang paggamit ng Tinder.

"So here. As you can see, pag-open mo ng Tinder, ganyan ang makikita mo. May isang malaking picture tapos sa baba may maliit na nakasulat na pangalan saka age niya. Tapos sa baba pa, makikita mo naman itong dalawang magkakatabing button na malaki. Isang button na heart sa kanan at at isang button na "X" sa kaliwa. Ang ibig sabihin niyan, kapag gusto mong maka-chat ang profile na makikita mo, just tap the heart. Kapag naman 'di mo bet, iyong "X" ang i-tap mo. Always remember na hindi porket, ni-heart mo siya ay makakachat mo na siya. You need to wait na i-heart back ka niya para magkaroon kayo ng access na magka-chat. Magiging match kayo ganoon. Bongga 'di ba? So mas maganda siya kasi iyong mga gusto mo lang na maka-chat ang makaka-chat mo basta mag-heart back lang sila."

Tumango-tango ako. Nage-gets ko naman ang itinuturo niya.

"After mo mag-heart nang mag-heart ng mga lumalabas dito sa home na gusto mong maka-chat, just wait for them to heart you back para maging match na kayo at magka-chat na kayo. Ganoon kadali."

"Hmm, how about poser accounts? Uso na kasi iyon. Siyempre picture lang nila ang makikita ko so hindi ako sure kung picture niya talaga iyon. Paano ang gagawin ko?" tanong ko.

"Kapag may access na kayo sa isa't isa, may makikita kang parang profile niya dito sa Tinder. Karamihan sa gumagamit nito ay kinokonekta nila sa Facebook account nila, so at least makikita mo naman sa Facebook accounts nila kung real sila."

"I see..."

"Then, alam mo bang may feature ito na pwede mong i-adjust ang kilometers kung gaano kalayo o kalapit iyong gusto mong mga profiles na mag-appear sa home mo. Kunwari, gusto mo around Manila lang so i-adjust mo na lang ang kilometers."

One Heart AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon