"eh nahihiya ako..."

"ANO? NO HIYA HIYA NA TE! GRAB IT!!!"

"pero...paano?"

"SIMPLE LANG...YAYAIN MO SIYA."

"sasama kaya siya?"

"Malay natin. Teka nga, bakit ka puro tanong, gawin mo nga kaya muna."

-_- hay naku Fen, kung madali lang gawin. Eh para nga akong matutunaw tuwing malapit ako sa kanya, tapos date? Teka? Date nga ba ito? O///o

Nag-umpisa na ang afternoon. Class, until now iniisip ko pa din kung paano ko sasabihin kay Francis kung pwede ba siyang sumama sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako habang nagtuturo ang teacher namin sa harap. Hindi naman sinasadya na napatingin ako sa upuan ni Francis. Pagtingin ko. Nakatingin siya sa akin. Kaya naman iniwas ko agad ang tingin ko. Feel na feel ko ang namumula kong pisngi. O///o

Tumingin na lamang ako sa bintana. Pero naglalaro pa rin sa isip ko kung paano ko siya yayayain. Gosh, bakit naman kasi ganito pa ang gift nila saken. -_- Sayang naman kung di ko gagamitin.

Tinignan ko ulit siya. Hindi na siya nakatingin sa akin. Naka-side view siya, pero ang gwapo niya pa din. Kahit naman yata saang anggulo gwapo siya. Ewan ko ba nababaliw ako sa lahat-lahat sa kanya. >.<

*ring*

Tapos na ang klase namin. Agad naman na naglabasan ang mga classmates ko. Sila Kaye lumabas na agad, pero bago sila lumabas, lip talk sila sa akin na yayayain ko na daw. Tumingin ako kay Francis, nag-aayos siya ng gamit niya.

"Francis, may gagawin ka pa ba?" tanong ko dito.

"Meron pa eh, sorry ah, di kita masasabayan"

"ah okay lang..." napayuko ako. "pwede ba kitang...yayain.."

"Francis!!!" -_- asungot ka Elaine. Biglang pumasok si Elaine sa room namin at tinawag ni Francis.

"tara na daw sa meeting..."

"oo susunod ako...una ka na" akala ko break na sila? Pero bakit parang wala lang? lumabas na si Elaine, pero bago siya umalis, tinitigan niya ako ng masama sabay snob. -_- suntukin kita jan eh, hmp!

"Ano nga ulit yung sasabihin mo Amiko?"

"ahh mamaya na lang, antayin kita"

"sure ka?"

"Oo! Bilisan mo ah"

"hahaha sige" nauna na siyang umalis.

T^T epic fail ka AMIKO...epal alert ka naman Elaine...grrrr!

Pumunta na rin ako sa SC office at naupo sa bench na malapit dito para doon siya antayin. Matapos ang ilang minuto, hindi pa din lumalabas si Francis. Busy kasi sila para sa Christmas Ball sa Friday. Speaking of Christmas Ball, sabi niya ako daw ang date niya. -_- sinabi niya yun nung nasa byahe kami kahapon. Di ko lang nasabi sa inyo. >.<

Epic nga eh...

*flashback*

Naglalakad kami papuntang sakayan ng taxi.

"oh? Bakit ka naman jan nakabusangot?"

"wala"

"weh?"

"wala nga"

"okay, ahm Amiko, sino na ang date mo sa Friday?"

"wala pa"

"Edi ako na lang"

"okay"

"sure na yan ah"

"may choice pa ba ako?"

"hahaha alam ko namang wala eh"

"sus"

*end of flashback*

Ganun lang ka-simple. At may date na ako. Pero bago ang date sa Friday, dadaan pa ang birthday ko at bukas na yon. Nakakapanghinayang naman kasi tong reservation na 'to. Bukod sa mahal na, minsan lang din ako makakain sa gantong resto. *Q*

5:30 na ng hapon, medyo maggagabi na sa labas. Pero hindi pa din tapos ang meeting. Naiinip na ako dito. Napatayo ako ng biglang bumukas yung pinto. Pero hindi pala si Francis. Babae yung lumabas na mukhang pupunta lang sa banyo. -_-

"hay naku" kumuha ako ng papel at ballpen. Nagsulat ako ng note.

Bumalik na yung Ate na lumabas kanina.

"Ahm, excuse me?"

"Yes?"

"pwedeng pabigay kay Francis?"

"sure"

Hindi ko siya aantayin. Pero sana mabasa niya. ^_^

Umuwi na ako sa bahay. At umakyat agad sa kwarto ko.

*knock*

"Anak? Bakit ang ingay mo jan? ano yang kumakalabog"

"Wala po papa"

"okay ka lang?"

"opo"

Naghahanap kasi ako ng susuutin ko para bukas. >.< pati mga damit ko ang gulo. Hindi ako makapili ng maayos. Gesh.

Napaupo ako sa kama ko. Napatingin ako sa side table ko. Nakita yung cheese cake na picture.

"TEKA? OO NGA PALA! BAKIT KO MUNTIK NA MALIMUTAN!!!" agad akong lumabas ng bahay.

"Anak san ka pupunta?"

"may bibilhin lang po" kinuha ko bike ko at lumabas agad ng bahay. Habang nasa bisekleta ako, nadaanan ko yung resto na nakareserve para sa akin bukas. Ewan ko, pero napangiti na lang ako.Pumunta ako sa grocery store at bumili ng mga ingredients para sa cheese cake.

Alam niyo ba na favorite 'to ni Francis. Pero ako ang nagbibigay sa kanya tuwing birthday ko. At hindi siya. Ewan ko ba, nakasanayan ko nang bigyan siya nito tuwing birthday ko. >.<

Habang nasa counter ako. Nakita ko yung babae kanina na sinabihan kong magbigay ng letter k okay Francis. Ngumiti ako sa kanya, pero nagtaka ako ng bigla siyang umalis at parang gulat na gulat ng makita ako. Problema nun?

Hindi ko na lang siya pinansin at umuwi na ng bahay. ^_^ bukas, ako na yata ang pinakamasayang babae sa mundo.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now