Last Part of FINALE

Start from the beginning
                                    

"Paano kapag ang mga kaluluwang naghihintay ng ganitong pagkakataon? Hindi ba sila magiging problema?"

"Magiging problema kung naianunsyo ko na ito. Ngunit dahil maagap akong nasabihan ni Yezhua. Sa pagitan nating tatlo lamang ang gagawin mong ito. Magtiwala ka sa akin, gaya ng pagtitiwala ni Yezhua"

Marami pang gustong itanong si Trenz. Marami pa s'yang gustong malaman sa iregularidad ng gagawin nila. Subalit, pinigil n'ya ang kanyang sarili. Ang importante, ang katuparan ng mga plano n'ya.

Inilabas n'ya ang makukulay na pisi na nasa pangangalaga n'ya.

Kina Yuls, Emman, Vince, Tranz, Carolina, Meree.

"Anim lang?" Tanong pa ng Death Angel. "Akala ko pito?"

"Nagbago na ang isip ko para sa isa. Iyan na lang. Wala na ba akong kailangang gawin?"

"Wala na, kundi ang sabuyan sila ng powder of restoration."

Nagpaalam na 'din s'ya agad dito.

Hindi na n'ya isinama si Rai. Dahil may naisip s'yang plano, para dito.

Nabuo ni Trenz ang lahat ng kanyang plano, sa tulong at gabay ni Yezhua.

Ang plano ng kanyang kamatayan at katapusan ng kanyang lahi, para patuloy na mabuhay ang kanyang minamahal.

Magsasakripisyo s'ya para kay Meree, para magkasama na ang kanyang mga magulang sa Eternelandia at makasama na ng kanyang ama ang inaasam na ina.

Muli n'yang tinitigan si Meree.

Bumaba ang kanyang mukha.

Hinalikan sa noo ang dalaga.

"Sa kapipigil kong huwag kang mahalin, lalo lang akong nahuhulog sa'yo."

Bahagyang kumilos si Meree. Nahigit ni Trenz ang kanyang hininga.

Ayaw n'ya kasing magising ang dalaga.

Mas mahirap kasi para sa kanya na gawin ang huling hakbang para matapos na ang lahat.

Mas maigi nang, hindi na n'ya makita ang mga mata nito.

Natatakot s'ya, na kung kailan isang hakbang nalang para sa katapusan. Ay saka pa s'ya magdadalawang isip.

Hindi pwede, lalo pa at alam n'yang sa mga oras na ito, nakikipagtuos na ang apat na hari kay Zafiro.

Si Meree. Pinipigil ang pagdilat.

Oo, gising s'ya. Hindi naman s'ya nakaidlip kahit saglit.

Nararamdaman n'ya ngayon ang labis na pagmamahal ni Trenz, pero nahihimigan naman n'ya ang labis nitong paghihirap.

Nitong mga nagdaang araw. Litong lito na s'ya sa mga kilos ng binata.

Kahit nagsusumigaw ito sa galit, nababanaag naman n'ya sa mata nito ang pagsusumamo.

Alam n'ya at ramdam n'ya na may pinagdadaanan ito.

Kung may magagawa lang s'ya. Kung may maitutulong lang s'ya.

Sa ngayon, isa na lamang ang gusto n'yang gawin.

Ang magtiwala dito.

Naramdaman n'ya ang pagdiin ng palad nito, sa kaliwa n'yang dibdib.

"Paalam mahal ko." Narinig n'ya pang sabi ni Trenz.

"Aagh!" Ang tanging nasabi ni Meree. Ang huling nasambit n'ya.

Mabilis na mabilis lang ang ginawa ni Trenz. Mabilis lang n'yang dinukot ang puso dalaga.

Sa isang iglap, nasa palad na n'ya ang puso nito. Kumikinang, ngunit kinang na unti unting napapawi.

Mr. Ghost or Mr.Real ? [COMPLETED]Where stories live. Discover now