Red (One Shot)

1K 29 9
                                    

A one shot story written for the good friend of the writer. Dreams do come true... in stories.

The writer would really appreciate it if you would vote, comment and share (with reference and copyright) this story to others.

NO SOFT COPIES.

NO HARD COPIES.

THIS STORY IS ONLY AVAILABLE IN WATTPAD AND IS NOT PERMITABLE TO DUPLICATE IN ANY OTHER KIND OF READING MATERIAL.

PLAGIARISM IS A CRIME.
DONT MAKE ME CALL YOUR LAWYER.

Thank you and enjoy reading.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Red (One Shot)

"Jared! May naghahanap sayo sa labas!" sigaw ng kaklase naming si Jon.

Agad naman akong napalingon sa gawi ni Jared ng marinig ko ang pangalan niya. Tumayo si Jared mula sa pagkakaupo niya at pumunta sa may pintuan kung saang may naghihintay sa kanyang isang babae.

"Karen! Nakikinig ka ba?"

Bigla naman akong napalingon sa katabi kong si Pamsy. Ang bestfriend kong sobrang ganda pero makulit.

"Sorry." sagot ko sa kanya at tumingin ulit sa may pintuan.

Nakita kong may iniabot yung babae kay Jared na isang pulang papel. Mukhang love letter yun ah.

"Ohh. Someone's jealous."

Napatingin ako kay Pamsy na may malapad na ngiti. Nakatingin siya sa may pintuan at tumingin na sa akin.

"What?"

"Asus. Umamin ka na kasi kay Jared na crush mo siya."

"Ano ba Pamsy! Baka may makarinig sayo." saway ko sa kanya.

Oo. Matagal ko nang gusto si Jared pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Baka pagtawanan lang niya ako. Si Jared? Matangkad, maputi, matalino, mahilig siya sa mga computer at mahilig din siyang magpatawa. Hindi siya yung klase ng tao na mahilig mambara o mamintas ng kapwa niya. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa kanya dahil sa mga katangian niya. Habang ako? Si Karen? Simple lang ako. Hindi gaanong maganda at hindi rin ako matalino. Tahimik ako sa mga kaklase ko pero pagdating kay Pamsy masiyahin ako. Lagi niya akong pinapatawa kaya maingay ako pagmagkasama kami.

"Yeah right." sagot ni Pamsy habang nililigpit ang mga gamit niya.

Napatitig ako sa bestfriend ko. Si Pamsy maganda, matalino at maputi. Hindi man gaanong katangkaran pero may mabuting kalooban siya. Friendly siya sa lahat kaya kilalang kilala siya sa buong school. Mayaman din ang kanyang pamilya kaya magagara ang kanyang mga gamit. Mahahalata mo din ito sa kilos at pananamit niya. Kung tutuusin parang hindi kapani-paniwala na naging bestfriend ko ang babaeng ito.

"Anyway, punta ka sa birthday ko ngayong sabado okay?"

"Pero Pamsy--"

"No buts! At tsaka invited lahat ng mga kaklase natin. Malulungkot ako kapag wala ka dun. And besides nandun si Mr. Red."

Ang tinutukoy ni Pamsy na Mr. Red ay si Jared. Mr. Red ang tawag ko sa kanya dahil nasa pangalan niya iyon. And the color red symbolizes my love for him.

"Pero Pamsy. Alam mo namang hindi ako bagay sa mga ganoong party. Baka ma-OP lang ako doon."

"Hindi yan! Promise! Makakasama mo doon si Mr. Red buong gabi."

Mr. Red (One Shot)Where stories live. Discover now