NSANSK Chapter One

737 16 0
                                        

Kyla Pov'
Pauwi na ako ng bahay dahil galing ako sa jogging . Trip ko lang mag jogging. Nakasanayan ko na kasi yun tuwing umaga. Nakasalubong ko na naman si Patrick. Araw araw minu-minuto lagi ko siyang nakikita at masama pa dito ay.

"Taba? San ka pumunta? Nagbawas ng timbang? Hahaha"

Yeah. Lagi niya akong inaasar na taba kahit na hindi naman ako mataba. Ewan ko ba diyan sa patrick na yan. Puro pantritrip ang nasa isip. Walang magawa sa buhay kaya ako yung pinagtritripan. Daming alam.

"Pwede ba Patrick Tantanan mo ako, lagi mo nalang akong tinatawag na taba kahit hindi naman! sigaw ko sa kaniya

"Ay,Hindi ba? Eh anong timbang mo 70 kilos. Hahahaha. sagot niya naman Piggy Piggy Oink Oink pakanta kanta niya

"Arghhh' Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!"

"Uyy Sorry na Kyla. seryoso niyang sabi

"Lagi mo nalang kasi akong ina--"

Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang sinasabi ko ng bigla siyang tumawa.

"Hahahahahahahahahaha"

"Bakit na naman?" inis na sabi ko

"Yung mukha mo kasi eh. Hahahaha. N-nak-kak-kat-ta-w-wa" pautal utal niyang sabi dahil nga sa tawa siya ng tawa

"Bwahahahahahahahahaha"

Iniwan ko nalang siya dun ng mag-isa. Bahala siya tumawa siya ng tumawa kung gusto niya. Wala akong pake.

"Nay" sigaw ko sa bahay

"Oh anak nakauwi kana pala hinahanap ka nga pala ni patrick"

"Nagkita na po kami" walang gana kong sagot pero may paggalang naman

"Ganun ba? Ah sige. Magluluto lang ako para sa kakainin natin"

"Sige po nanay gisingin ko lang po si bunso"

May kapatid akong mas bata pa sakin. 12 years old. Ako kase ay 18 Years old na. Tapos si Patrick naman 20. Dalawang taon ang agwat niya sakin.

"Bunso gising na kakain na" katok ko sa kwarto niya

"Sige ate susunod ako"

May sari-sarili kaming kwarto ng kapatid ko. Tapos si Nanay at tatay sa isang kwarto. Hindi naman kami gaano kahirap at hindi rin gaano kayaman. Sakto lang para mabuhay kami. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko na naman siya. Walang iba kundi si

P A T R I C K

Arghhhhhhhhhhh.

"Oh anak nasan kapatid mo" salubong sakin ni nanay

"Nasa taas pa po , susunod nalang"
sagot ko kay inay at bumalimg naman ako sa lalaking kampanteng kampante na nakaupo sa hapagkainan si patrick. "At ikaw naman anong ginagawa mo dito" sigaw ko kay patrick

Hindi naman siya nakasagot .

"Anak wag mo ngang sigawan si patrick bisita natin siya okay?"

Yan. Yan si Patrick. Kapag kaharap sila nanay napaka bait kala ko angel. Kaya naman ako lagi ang napapagalitan ni nanay tuwing nandito siya. Good Shot lagi yan kila nanay eh. Pero kapag kaming dalawa nalang. Hindi nabubuhay kapag hindi ako inaasar.

"Bwisita kamo" bulong ko

Pero alam kong narinig ni Patrick yun at pasimple siyang tumawa. Argh. Napaka niya talaga. Bwisit na bwisit nako talaga ko diyan. Narinig ko pa ang bulong niya na

"Taba kase yan tuloy"

Hindi ko na siya pinansin. Mababadtrip lang talaga ako.

Nagsimula sa Asaran nauwi sa kasalanStories to obsess over. Discover now