I

3 0 0
                                    

🎵Beauty and the beast🎵
Nang marinig ko ang huling pyesa ng tug-tog ay nag bow na kami sa mga nanunuod.

"So let's give an around of applause to our very own gorgeous and handsome 2016th cotillioners who dance with grace and love." Sabi ni Teacher Yen, adviser namin na emcee ngayong Grad Ball.

Hindi makakailang napaka daming nagagandahan at nag gagwapuhang mga estudyante ngayon, aba syempre last prom na namin to with our batchmates dapat pag handaan. Aura kung aura hahaha

Bumalik na ang mga cotillioners sa kanya-kanya nilang upuan except sakin dumiretso ako agad sa room kung saan nandon yung photobooth namin pero bago ako pumunta don ay tinignan ko muli "sya" na nag ttwerk kasama yung mga tropa nya.

Na pangiti nalang ako sakanya.

"Wala parin syang pinag bago. Sya parin yung dating kilala ko." bulong ko sa sarili.

Sya kasi yung lalaking simple, ma appeal, palaging nang iinis, palaging nasisigawan ng teacher dahil sa kaharutan, malikot, napagalitan dahil sinira yung bumbilya ng school namin, sya din yung mahilig bumulong pag pinapagalitan, palaging may katwiran sa lahat.

Hindi man sya yung lalaking nasa ideal list ko e, wala mga bess, kahit anong pilit kong "Wala!" "Di ko sya gusto" "Tropa kami" "Panget nya kaya!" "Ambaho kaya nyan" e susme waepek mga bess nahulog parin ako. Kabwisit!

Kung alam ko lang na dahil dun sa bwisit na trip kong yon mag kakanda letche letche to puso edi sana una palang tinigil ko na- edi sana una palang tinigil ko na- edi sana hindi ako nahulog sa wala.

Nakakainis diba yung kung kelan handa ka na sabay too late na pala. Yung kung kelan hulog ka na mahuhulog din sya- sa iba? Yung kung kelan mahal mo naiiwan ka na?

Ganon naman ata e kung kelan mapapasayo na biglang mapupunta sa iba.

GUSTO NYO BA NG FLASHBACK MADLANG PEOPLE/DABARKADS??

Wag na mga bess kajirts kaya, kapagod pero sige ikukweto ko nalang

Isa kasi akong Yokai dati-- joke lang mga bess hahah eto na talaga real na to mas real pa sakanila ng bago nya hahahangshaket!

I was in 3rd year way back then nang mapa-uso ulit ang Knock-knocks and Pick ups alam nyo naman yung diba yung

Knock knock?

Husder

Coke-cola

Coke-cola hu?

🎵Coke-cola nalang sana ang yong minahal di ka na muling mag iisa🎵

Eto pa..

Kape ka ba?

Bakit?

Kasi boom panes!

So yun nauso yang mga kamaisan at kabaduyan na yan ako naman isa't kalahating siraulo ay sinubukan ko yun sakanya (my god I hate drugs!)

"Psst pogi!" pang uuto ko kay Pedring

"Bat mo nanaman ako tinatawag Clarita?" Sagot nya.

"Huwag kang feeler Pedring! Ngayon palang kita tinawag" pang aasar ko. Nakita ko naman ang pag kunot ng noo nya hahaha syet ka talaga Pedring! Ang panget mo bwahhaa

"Ano ba kasing kaylangan mo?! Kita mong natutulog ako diba?!" Hindi sya sumisigaw nyan pero nandidilat ang mata nya- o sadyang malaki lang talaga yun?

"Jusme Pedring! Pinanlalakihan mo ba ako ng mata o malaki na talaga mata mo lintek hahhaha! Tsaka hoy Pedring! Kung makasisi ka saakin na naistorbo kita sa pagtulog eh mukhang tulog ka pa ata at hindi pa gising" tanapik tapik ko yung pisngi nya na parang ginigising sya. "Gising Pedring! Gising! Hindi ikaw yung poging tinatawag ko bwahha-- *huff* *huff*(epeks nang nabubulunan)" qinginang Pedring to di pa ako tapos tumawa nang binato ako nang papel sa bibig ugh!

"Yan napapala na maiingay bwahahaha ang panget mo talaga Clarita kahit kelan bwahahaha" bawi nya

Punyeta hindi to pwede dapat bumawi ako!

"Good afternoon Ms. Yen" sabay sabay na sabi ng classmates ko

Tumingin ako kay Pedring at naka-ngisi ito, hmmm malalaking mata mo lang ang walang latay Pedring! Mata mo lang.

Nginisian ko naman ito pabalik.
LET BYGONES  BE BYGONES PEDRING bwahahha

"You may now take you seats and open your book and turn to pag 991 (walang pakielamanan ng page! Hindi naman kayo yung nag aaral so shut up nalang!)

Paupo na si Pedring ng sipain ko paurong yung upuan nya.

"Pffffffffftt" pigil kong tawa at isinilid ko ang buong ulo ko sa bag para hindi makita ni Maam aba mahirap na!

"Mr. Macati anong nangyari sayo? Bat ka dyan nakaupo sa sahig? Pwede mo namang upuan yung silya. Kasama yan sa binabayaran nyo dito sa School." Concern na sabi ni Maam na mas kina-itawa ko bwahahahah syet Pedring y u do this to me? Bwahahahah

Nawala ang tawa ko ng makita kong may luha na pumatak sa mata ni Pedring--syempre joke lang! Si Pedring pa iiyak? Dahil sa pambubuska ko sakanya? Huh! Never say never yun uy! Pero tae nawala talaga yung tawa ko sa ngisi ni Pedring syet!

Oh my gulay mukhang mata ko naman ang walang latay!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not-your-typically-love-storyWhere stories live. Discover now