“Ah- eh…”, ewan ko ba kung bakit ako nagsta-stammer.

“Ano na?”,sabay pa talaga silang dalawa.

Natawa na naman ako pero hindi ko pa rin talaga sila masasagot.

“Excuse me girls”, narinig kong sabi ni Mico.

Nakita ko namang napangiti ang dalawa sa paglapit ni Mico kaya kinabahan ako. Baka kasi si Mico ang tanungin niya, mapagsungitan pa sila nito.

Nang hindi ako nagsalita ay siniko ako ng mahina ni Ate Dana.

“Ahmm Mico sina Ate Dana pala at si Ate Thea”, pakilala ko sa dalawa. Eh obvious naman na gusto nilang makilala si Mico.

“Yah I know them. They are your friends right?”, nakangiting sabi niya sa akin.

Napaisip ako. Bakit niya kilala sina Ate?               

Napatango ako sa sinabi ni Mico.

“Nice to meet you girls finally”, himala talaga at bumati si Mico ng nakangiti kina Ate Dana kaya ayan tuloy parang natuka ng aha sang reaksyon nilang dalawa.

“Shall we go now?”, aya sa akin ni Mico.

“Mico, may problema tayo dyan”, narinig kong sabi ng isa sa mga kasama ni Mico.

“Isang available bed na lang ang nasa isang assigned rooms for us”

“Don’t worry Mico, I’ll be staying with them naman”, inunahan ko na si Mico para hindi na siya masyadong mag-alala sa akin.

“You’re staying with me”, simpleng sabi ni Mico pero alam ko na hindi lang ako ang nagulat sa sinabi niya.

“Are you serious Mico?”, galit na tanong ni Keith.

“Yah I am”,mas naningkit ang mata ni Keith sa sinabi ni Mico.

“Ang galing mo talaga noh? You will let Athena stay in a room with full of guys? Are you nuts?”, ayun na talaga ang temper ni Keith. Mabuti na lang at nasa tabi niya sa Mikee dahil kung hindi tiyak na susugurin niya si Mico.

“Nakikinig ka ba sa akin Keith? I said she’s staying with me and not with us”, seryosong sabi sa akin ni Mico sabay kuha sa kamay ko at ginaya ako papunta sa mga cottages na nasa kabilang direksyon ng mga cottages ng mga taga-AU.

Nanatiling tahimik si Mico hanggang sa nakapasok na kami sa cottage naming dalawa. Pilit kong inignora ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil sa sitwasyon na makakasama ko siya sa isang kwarto.

“Hey relax”, sabi ko sa kanya habang nakaupo na kami sa isa sa mga kama. Ang tense kasi niya, ramdam ko sa higpit ng hawak niya sa akin.

“I’m sorry”, medyo kalmado niyang sabi habang hinihimas niya ang parte ng braso ko na medyo mapula dahil sa higpit ng hawak niya.

“I’m sorry because I got pissed. Kung makaakto naman si Keith parang boyfriend mo naman”, pagmamaktol ni Mico.

So he’s jealous again. Muntikan na akong mapangiti mabuti na lang at napigilan ko kasi naalala ko na nasa awkward situation pala kaming dalawa.

Me and him in a room? Nag-alala ako.

Hindi sa sarili ko kundi sa kanya dahil baka magahasa ko siya. Joke lang.

Nag-alala ako kung ano kaya ang isipin ng mga kaibigan ko.

“Mico are you sure about this?”, tanong ko sa kanya ng mahina. Medyo nahihiya kasi ako.

“About us in a one room?”, tanong niya sa akin na may nakikita akong pilyong ngiti sa labi niya.

Talking of mood-swings si Mico na ang hari nyan for sure.

Mahina akong napatango pero hindi tumitingin sa kanya. Ang awkward kaya ng ping-uusapan namin.

“Paz don’t worry I will not cross the borderline”sabi niya sa akin ng pabulong at kinintalan niya ako ng halik sa noo pero napamaang ako sa dinagdag niya na napansin ko na medyo nilakasan pa niya ang pagkasabi na para bang may pinaparinggan.eh kami lang namang dalawa ang nasa loob ng kwarto

“And we kiss already three times and we slept together once in Tagaytay”

“YOU SLEPT ALREADY TOGETHER?”

“YOU KISSED THREE TIMES?”

“KAYO NA BA?”

Napaigtad ako ng marinig ko ang mga sunod-sunod na malalakas na tanong sa amin ng mga unnoticed audiences sa amin.

 Namely na sina Ate Dana, Ate Thea, Mikee, Keith and the rest of AU’s basketball team members.

And it hit me.

This is Mico’s way of being a possessive.  

Making me feel like I want to disappear in front of everybody.

~~~~~~~~~~~~~~~

Pre-Valentine Post!!!!!!!

Happy Hearts Day to All!!!!!

Hope you enjoy this one…….

Hot Mico and cute Phoebe on the side…

(P.S. wala akong madi-dicatan comment lang po yung gusto)

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now