Ilang minuto din ang ginugol ko sa loob ng sasakyan niya bago ko napagpasyahang lumabas.

Nakita ko si Mico na pinalibutan ng mg aka teammates niya na hindi ako napansin na naglakad papunta sa kanila.

“Wow Mico, himala talaga na sumama ka ngayon”, sabi ni Mikee na as usual ay nakangisi na naman.

“Kaya dapat walang maging KJ sa atin huh dahil first time na sumama sa atin ang ating Vice captain na soon to be our Captain”, nakangiting dagdag ng isa pa nilang kasamahan.

“Athena!”, napalingon silang lahat sa akin dahil sa pagtawag ni Keith sa pangalan ko at nakita ko siyang humakbang papalapit sa akin.

“She’s with me”, seryosong sabi ni Mico na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin at ang mga kamay ay nasa bewang ko na.

“Okay na kayo?”, takang tanong ni Keith. Hindi ko kasi naikwento sa barkada ang pagsama sa akin ni Mico sa NY.

“Why shouldn’t we? Nag-away ba kami?”, masungit na sabi ni Mico kay Keith.

Nakita kong medyo nag-iba ang mukha ni Keith. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na gusto ako ni Keith pero when it comes to me and Mico I hope he wont interfere.

He doesn’t know the real story.

“Oo nga naman Pre, hindi sila nag-away. Sigurado ako nagpapamiss lang yang si Mico kay Zy”, natatawang akbay ni Mikee kay Keith.  Nginitian ko na lang si Mikee to say my silent thank you to him.

“Baby Girl!!!!”, narinig ko ang isang hiyaw at paglingon ko ay nakita ko sina Ate Dana at Ate Thea. How can I forget mga athlete rin pala sila. Partner silang dalawa sa tennis kaya sila naging mag-bestfriend.

“We miss you”, sabay nilang sabi saka ako niyakap despite sa mga pagsipol ng mga kasamahan ni Mico sa basketball team.

Hindi ko naman sila masisi ang ganda din kaya ng mga Ate ko.

“Bakit hindi ka naman nagparamdam na nakauwi ka pala”

“Asan ang mga pasalubong namin?”,

Natatawa na lang ako sa pagiging energetic nilang dalawa nang bigla kong napansin na hindi na sila nakatingin sa akin.

They are looking at the man behind me.

“Okay na kayo?”, bulong sa akin ni Ate Dana.

“Kayo na ba?”, natawa ako sa tanong ni Ate Thea pero kasabay ay nito ay ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.

“Huwag mo kaming ngingitian lang Baby Girl, kailangan mong mag-explain.”, nandidilat pa ang mata ni Ate Dana habang sinasabihan niya ako.

Si Introvert at ExtrovertМесто, где живут истории. Откройте их для себя