Nakita kong ngumiti siya.

“Do you really prefer to know the answer Paz when I am driving an automobile? Don’t you wish to hear from me in a more romantic setting?”, biglang nagshift ang mood ni Mico from anxiety to playful.

Bigla naman akong namula sa sinabi ni Mico but to think of it kahit siguro saan sabihin sa akin ni Mico na gusto na niya ako ay magiging romantic na ang setting na iyon para sa akin.

Kaya napalunok ako para masabi ko sa kanya ang naiisip ko pero…

*Kring *kring *kring

Napigilan ako ng pagtunog ng telepono ni Mico.

“Yah we’re on our way Tito”, nakangiting pakikipagkausap ni Mico sa kausap na ang hula ko ay si Tito James.

“Yah she’s here. Of course I will take good care of her. Malakas ‘to sa akin”, natatawang sabi niya na tumingin pa sa akin at kumindat.

Para naman akong kiniliti na ngumiti ng pagkalaki-laki sa sinabi niya.

“I bet it’s Tito James”, nakangiting sabi ko sa kanya.

“Will you believe if I say it’s Tito Rex?”, nangangantiyaw niyang sabi sa akin which made me pout.

“Himala yata kapag si Tito Rex mo ang mangungumusta sa akin”, nakalabi ko pa ring sabi sa kanya.

“Bakit kasi hindi mo suyuin, promise hindi ako magseselos”, pagbibiro niya sa akin.

“Jusko Mico, nahirapan nga akong suyuin ka si Tito Rex mo pa kaya? Eh hindi ka nga nangalahati sa kasungitan niya”

“Hahahahaha”, napahalakhak si Mico sa sinabi ko habang ako ay nakamaang na napatitig sa kanya. he is such a joy to watch kung ganyan siya.

Mas nakakainlove.

“Stop staring at me, nako-conscious ako”, pilyong sabi niya sa akin na nakatingin pa rin siya sa daan.

“Hangin nito”, nasabi ko na lang. Ang lakas lang talaga ng radar niya.

~~~~

“We’re here Paz”, narinig kong sabi ni Mico habang naramdaman ko ang mabining paghaplos niya sa mukha ko.

“Sorry nakaidlip pala ako”, sabi ko sa kanya na medyo naconscious sa lapit ng mukha niya sa akin. I can’t help it dahil kung ganito kalapit ang mga mukha naming isa lang ang naiisip ko.

The kiss that we shared in New York.

“Ahmmm Mico mauna ka ng bumaba. I’ll fix myself first”, nasabi ko na lang sa kanya para medyo mabawasan ang pagka-conscious ko.

“Okay, pero huwag masyadong magpaganda huh, baka mapaaway ako”, nakangiting sabi niya sa akin saka hinalikan niya ako sa noo.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now