“Just a moment Paz”, sabi sa akin ni Mico na ikinatango ko. Kawawa naman kasi ang bestfriend  ko.

Nakita ko naman na nag-uusap sila ng masinsinan at ilang sandali pa ay nakita kong nag-manly hug silang dalawa.

At ang Pogay kong bestfriend ay napakagat labi pa talaga since nakatalikod si Mico sa akin at siya ang nakaharap sa akin kaya nagkaroon akong ng time na irapan siya.

Nakita ko siyang ngumiti sa akin saka nagsabi ng walang sound na “heaven”.

“Can we go now?”, untag ko sa kanilang dalawa dahil napansin kong tila naasiwa si Mico sa tagal ng yakap dito ni Ricky.

Nakita kong tumawa si Ricky sa ginawa ko then Mico as usual ay ipinulupot na naman niya ang braso niya sa bewang ko.

Kaya nginitian ko si Ricky na parang nagsasabi ng “Ako ang Nagwagi.”

~~~~~~~

“Are you sure you are okay?”, pangatlong tanong na ito ni Mico sa akin. Two weeks na simula ng nakabalik kami dito sa Pilipinas.

I always feel weak. Pinayuhan na ako ni Tita Nadia na magpacheck-up pero palagi ko na lang nakakaligtaang gawin iyon.

I smiled weakly to Mico. Ayokong mag-alala sa akin si Mico at baka hindi na kami matuloy sa outing na pupuntahan namin.

Sa pagkakaalam ko ay it’s the annual get together ng lahat ng mga athletes sa AU at pwede daw magsama ng isang guest kada athletes.

“I’m okay medyo naiinitan lang siguro ako.”, sabi ko sa kanya. He had been so busy for the past two weeks dahil na rin sa paghit talaga ng ginawa niyang kanta.

“You can sleep Paz at gigisingin na lang kita pagdating natin doon”, nakangiting sabi niya sa akin which didn’t fail making my heart beats faster.

“Huwag na wala kang makakausap”sabi ko sa kanya.

“Hmmm Paz?”, maya-maya ay sabi niya sa akin.

“What is it?”

“Do you still like me?”, napatingin ako sa mukha ni Mico and he look so worried sa kung anumang isasagot ko.

Kaya humarap ako sa kanya na nakangiti.

“Hmmmm pwedeng pag-iisipan ko muna?”, pilyang sagot ko sa kanya na ikinangiti niya.

“Silly but seriously I’m afraid Paz na baka isang araw sasabihin mo sa akin na you are already liking somebody else”, problemadong-problemado ang mukha ni Mico habang nagsasalita.

“How about you Mico do you now like me 100%?”, ewan ko kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko para matanong ko sa kanya ang itinanong ko.

Si Introvert at ExtrovertDonde viven las historias. Descúbrelo ahora